Default Thumbnail

Kongresista sa Cavite ng Liberal Party sumuporta sa posibleng presidential bid ni Mayor Sara

September 24, 2021 People's Tonight 484 views

Kawit, Cavite – NAGPAHAYAG nitong Biyernes ng suporta si Cavite First District Rep. Francis Gerald “Boy Blue” Aguinaldo Abaya sa posibkeng presidential bid ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

“Walang opo-oposisyon sa mag-amang Duterte, maging ang Pangulo o si Mayor Sara. Kapag kailangan mo ng tulong, naroon sila. Dahil sa malasakit na ‘yan, buong puso kong inaalay ang suporta ko sa kandidatura ni Mayor Sara para sa pagka-presidente sa 2022,” ani Abaya.

“We all have our own minds in the Liberal Party,” paliwanag ni Abaya. “This is my own.”

Nagpasalamat si Abaya kina Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte at Mayor Sara sa patuloy na pagkakaloob ng mga proyekto sa kanilang distrito, kabilang ang ayuda, medical assistance, burial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DWSD), at iba pa.

“I do not know the President, nor do I know the Mayor from Davao City, and I am from the opposition,” paliwanag ni Abaya. “Still the assistance keeps on coming. There is just no way I can ignore the kindness and support of the President and his daughter, especially now when my constituents in the 1st district continue to suffer because of the COVID-19 (coronavirus disease-19) pandemic.”

Ipinaliwanag ni Abaya na sinusuportahan niya ang posibleng pagtakbo ni Mayor Sara dahil sa magagandang programa ng ama nito at inaasahang magpapatuloy na implementasyon ng magagandang mga proyekto sa susunod na anim na taon.

Kinilala rin ng Cavite solon ang pagiging “independent-minded and principled” na istilo ng pamumuno ni Mayor Sara.

“I especially liked her stand not to run when her father said he will run for Vice-President, because they have an agreement that only one Duterte should hold national office. That, for me, shows Mayor Sara is a very principled politician, and is not an opportunist,” giit ni Abaya.

Nagpasalamat rin si Abaya kay Pangulong Duterte sa pagkakaloob ng tulong at suporta sa kanyang adhikaing i-upgrade ang Kawit Kalayaan Hospital sa Level 2 District Hospital sa ilalim ng House Bill (HB) No. 7123 na kanyang inihain noong nakalipas na Hulyo 20 at noong 18th Congress.

Sa ilalim ng panukala, gagawing 100 beds mula sa kasalukuyang 25 beds ang kapasidad ng Kawit Kalayaan Hospital sa Barangay San Sebastian, Kawit, Cavite.

Sinabi ni Abaya na malaki ang maitutulong ng suporta ng Pangulo para magkaroon ng mas magandang kalidad ng serbisyong pang-kalusugan ang kanyang constituents sa gitna ng matinding laban sa COVID-19.

“Ikinagagalak ko pong ibalita na patuloy and suporta ng ating Pangulo sa panukalang inihain ko sa Kongreso para sa pag-upgrade ng Kawit Kalayaan Hospital upang madagdagan ang kapasidad nito mula 25 hanggang 100 hospital beds,” ani Abaya.

AUTHOR PROFILE