Kondisyon ng mga PDL prayoridad ni Bong Go
KABILANG sa mga prayoridad ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga inisyatiba sa pagpapabuti ng mga pasilidad sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakapokus sa pagbibigay ng rehabilitative environments sa Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Para sa 2025 budget, sinuportahan ni Senator Go ang mga pangunahing proyektong pang-imprastraktura, kabilang ang pagtatayo ng basketball court sa Island Garden City ng Samal City Jail at isang male dormitory sa Urdaneta District Jail sa Pangasinan.
“Kailangan nating bigyang-pansin ang kapakanan ng ating mga PDL. Sa pamamagitan ng maayos na pasilidad, matutulungan natin silang magbagong buhay at makapag-focus sa kanilang rehabilitasyon,” idinii ni Go.
“Kahit nakakulong sila, itinataguyod natin ang kanilang karapatang magkaroon ng maayos na buhay.”
Layon ng basketball court sa Samal na isulong ang physical fitness at mental well-being ng mga PDL, na naaayon sa adbokasiya ni Go para sa holistic rehabilitation.
Samantala, ang bagong dormitoryo sa Pangasinan ay makatutulong sa pagtugon sa siksikang mga selda na pangunahing isyu sa mga kulungan sa Pilipinas.
Ang mga proyektong ito ay bahagi ng legislative agenda ni Go, kinabibilangan ng pag-co-author sa Republic Act No. 11549—isang batas na nagrerebisa ng minimum height requirements para sa mga aplikante sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas tulad ng Philippine National Police (PNP), BJMP, at Bureau of Fire Protection ( BFP).
Ipinapakita ng inisyatibang ito ang dedikasyon ni Go para mabigyan ng inklusibo at pantay na pagkakataon ang mga nagseserbisyo sa gobyerno.
Bilang tagapangulo ng Senate committee on health and demography, ang mga inisyatiba ni Go ngayong 2025 ay sumasalamin sa kanyang holistic approach sa serbisyo publiko, pagharap sa mga isyu na higit pa sa kalusugan upang maiangat ang vulnerable communities.
Naniniwala rin siya sa ikalawang pagkakataon at ang kahalagahan ng rehabilitative programs para sa mga PDL sa pagsasabing ang bawat isa ay dapat bigyan ng tyansang makapagbago at makapag-ambag muli sa lipunan.