Default Thumbnail

Komite ng Senado bigong makakuha ng sapat na boto sa pagpapatigil ng POGO

March 23, 2023 People's Tonight 260 views

BIGO pang makakuha ng sapat na pirma ng mga senador na miembro ng Ways and Means Committee ang committee report na nagrerekomenda na ganap na ipagbawal ang POGO sa bansa

Sa ngayon ay aabot pa lang sa pito ang pumirma kabilang na dito sina Senate majority leader Joel Villanueva, Minority Leader Koko Pimentel, senator Risa Hontiveros at Grace Poe

Ang mga nagsabi naman na hindi pa sila pumipirma ay sina Senator Jinggoy Estrada at Imee Marcos.

Ayon kay Senator Estrada hindi pa nakakarating sa kanya ang committee report at nais muna nya itong mabasa

Si Senator JV Ejercito naman ay nais na gawin sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon ang pag-phaseout sa POGO

Ayon kay Ejercito hindi siya pro-POGO pero inaalala nya ng epekto ng agarang pagpapasara sa POGO na mismong kongreso ang nagpasa ng batas para maging legal ang operasyon nito sa bansa

Sa huling araw ng sesyon ay nagprivilege speech si Ways and Means Committee Chairman Sherwin Gatchalian kung saan kanyang inilahad ang laman ng Chairman’s report kung saan inirerekomenda ang tuluyang pagpapasara at pag-ban ng mga POGO sa bansa dahil mas mabigat ang perwisyong dulot nito kung ikukumpara sa naibibigay na benepisyo.

Ayon kay Gatchalian, mangangailangan na lang ng tatlo pang pirma o kabuuang sampung signatures ang nl committee report para ito ay maiprisinta sa plenaryo ng senado

Paglilinaw ni Gatchalian, ang kanyang binasa kagabi na Chairman’s report ay para lamang i-update at maisalarawan sa mga senador ang mga bago pang impormasyon na lumalabas tungkol sa POGO upang makumbinsi pa ang mga ito sa negatibong dala ng POGO sa bansa.

Inihalimbawa nito ang ipinarating sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) na nito lamang Pebrero ay may sinagip silang Chinese national na iligal na ikinulong sa compound ng isang POGO service provider.

Aminado naman si Gatchalian na may ilan sa myembro ng komite ay pinag-aaralan pa ang mga isyu sa POGO para lagdaan ang committee report dahil sa ilang mga concerns tulad ng trabaho at ang mawawalang kita mula sa buwis sa POGO.

AUTHOR PROFILE