Crime

Kolektor sa sugalan itinumba sa Tanauan

December 3, 2023 Jojo C. Magsombol 200 views

WALANG awang pinagbabaril at pinatay ang isang kolektor sa sugalan sa Sitio Bukid, Brgy. Balele, Tanauan City, Batangas noong Sabado, ayon sa Tanauan City police.

Hindi sinabi sa report kung anong sugal ang ginagawa nang barilin at patayin ang biktima.

Base sa imbestigasyon, nangongolekta ng taya kay Josie Bas Amaro bandang alas-9:20 ng umaga ang biktima nang biglang lumapit ang isang di-kilalang lalaki na naka-itim na helmet, jacket at pantalon at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima sa ulo at katawan.

Patay agad ang biktima.

Tumakas ang suspek papunta sa hindi malamang direksyon, ayon sa ilang nakasaksi.

AUTHOR PROFILE