Koleksiyon ng BoC, umabot na ng P472.2-B

October 4, 2021 Vic Reyes 168 views

Vic ReyesHINDI hadlang ang COVID-l9 pandemic para maabot o malampasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang tax collection target sa taong ito.

Katunayan, marami ang naniniwala na ang pandemya pa nga ang nagsilbing hamon para lalong pagbutihan ng mga taga-BoC ang kanilang trabaho.

Resulta? Naitala ng BoC ang record na P59.9 bilyong collection noong nakaraang buwan.

Sa totoo lang, ito ang pinakamataas na monthly collection sa kasaysayan ng ahensya.

At nangyari pa ito sa panahon ng pandemya.

Matatandaan na mula pa noong Enero ay nagawang lampasan ng BoC ang kanilang monthly collection targets.

Ayon sa record, walo sa l7 collection districts ng ahensiya ang nagawang lampasan ang kanilang assigned tax take.

Ang walo ay ang mga puerto ng Clark, Davao, Iloilo, Legazpi, Limay, Manila, San Fernando at Zamboanga.

Ang total collection mula Enero hanggang Setyempre ay umabot na ng P472.2 bilyon.

Kailangan na lang makakolekta ang BoC ng Pl44.5 bilyon sa nalalabing tatlong buwan ng taon para maabot ang 202l target.

Ang target collection sa taong ito ay P6l6.7 bilyon.

Tingin natin ay kayang-kaya na ng BoC na mangolekta ng average monthly collection na P48.l6 bilyun sa nalalabing tatlong ng 202l.

Hindi problema ito kung pagbabatayan anf mga nakaraang koleksiyon.

Ayon sa ulat, unti-unti ng gumaganda na ang pandaigdigang ekonmiya.

Nandiyan pa ang kasipagan ng mga taga-BoC sa kabila ng nararanasang kahirapan dulot ng COVID-l9 pandemic.

****

Sa Biyernes, Oktubre 8, matatapos ang paghahain ng Certificate of Candidacy.

Marami ng hindi kilalang personalidad ang naghain ng CoC.

Ang mga ito ay malamang matanggal sa listahan ng mga kandidato dahil mga nuisance candidates.

Ang gusto lang nila ay malagay sa history ng Comelec na kabilang sila ng mga naghain ng CoC para sa May 9, 2022 elections.

May katwiran nga naman sila dahil malalagay pa sila sa diyaryo at mababanggit ang kanilang mga pangalan sa mga radio at tv newscast.

Kanya-kanyang gimik talaga.

****

Magpa-rehistro na tayo bilang mga botante.

Huwag natin kalimutan na tungkulin nating bumoto sa Mayo 9, 2022.

Kailangang kasama tayo sa mga pipili ng mga mamumuno sa atin.

Mahalaga ang nag-iisa nating boto.

Tandaan natin na nagkakaroon lang ng eleksyon sa bansa tuwing ikatatlong taon at ika-anim na taon naman para sa presidente at bise-presidente.

Kaya magpa-rehistro na!

(Para sa inuong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email:tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE