Kobe

Kobe ipagluluto ni Kyline ng bopis

November 29, 2024 Vinia Vivar 78 views

Gusto sanang makasama ni Kobe Paras ang kanyang parents na sina Benjie Paras at Jackie Forster ngayong darating na Kapaskuhan pero dahil alam niyang may kanya-kanya nang buhay ang mga ito ay naiintindihan niya kung hindi man ito matupad.

“I just hope na makasama ko parents ko. I know they’re busy, my mom’s in Europe, my dad’s busy with his side of his family. So hopefully, makasama ko sila,” sey ni Kobe sa panayam ng ’24 Oras.’

Kung hindi matutupad ang wish niyang ito, ang girlfriend na lang na si Kyline Alcantara at ang pamilya nito ang kanyang kasama.

“If not, I’ll be with Kyline and her family,” aniya.

Wish din daw niya na ipagluto siya ni Kyline.

“Sana kahit anong lutuin ni Ky, makain ko,” sey pa ng basketbolista.

Natawa naman si Kyline na kasama ni Kobe sa panayam.

“Hindi nga ako marunong magluto,” sey ng aktres.

“Pero gusto kitang magluto,” sabi naman ni Kobe.

Nag-isip si Kyline ng lulutuin at sambit niya, “Bopis po! I’m a bopis lover.”

AUTHOR PROFILE