
Knocked it out
WALANG kupas ang grace at ganda ng beauty queen-turned-entrepreneur at model na Kylie Verzosa, pero sa latest niyang pasabog na post, init at alindog ang kanyang ibinida.
Suot lamang ang bikini, nakapose siyang nakakaakit sa pinto, tila isang diyosang handang pabagsakin ang lahat ng makakatitig.
Siyempre, hindi pinalampas ng kanyang mga tagahanga ang kanyang pangmalakasang aura. Isa nga’y napa-“Pink babyyyy!” habang ang isa naman ay bumilib sa kanyang flawless na katawan at sinabing, “Knocked it out of the park with this outfit!”
Dagdag pa ng isa, “Grace and beauty combined” — isang patunay na hindi lang siya sexy, kundi isang reyna ng kaseksihan!