Imee

‘KMK’ ni Sen. Imee, isinabay sa anibersaryo ng Martial Law

September 21, 2022 Ian F. Fariñas 330 views

ITINAON sa 50th anniversary kahapon ng Martial Law ang pagpapalabas sa unang episode ng dramedy true-to-life anthology na KMK (Kalimutan Mo Kaya) ni Senador Imee Marcos.

Mula sa panulat at direksyon ng kontrobersyal Maid in Malacañang director na si Darryl Yap, mapapanood ito sa social media accounts ng VinCentiments.

Matatandaan na ito rin ang same team na nasa likod ng pinag-usapang election kampanyaseryeng Kape Chronicles ng senadora.

Obviously, take off ang KMK sa MMK (Maalaala Mo Kaya) ni Charo Santos-Concio sa ABS-CBN noon.

Sa KMK, makikitang nagbibigay-payo rin si Sen. Imee na mala-Charo sa isang Rosy Cheeks Mapagmahal.

Nag-IMEEssage ito sa KMK dahil niloko ng kanyang partner.

Ang payo ni Manang Imee: “Alam mo, Rosy Cheeks Mapagmahal, simple lang. Kalimutan mo kaya, hiwalayan mo, kahit mahirap. Gaya ng sabi mo, sapat ang ganda mo, eh, di mas magpaganda ka pa. Nakakapangit ang galit. Tingnan mo, napahamak ka pa. Nandamay ka pa ng wala namang kasalanan sa ‘yo. Ganu’n kasi ‘pag puro nakaraan. Nawawalan ka ng kinabukasan. Sa love, ang fake, hindi mo maiiwasan. Pero ‘yung pagdurusa, choice mo ‘yan. Makipaghiwalay ka kahit mahal mo pa. Mahirap, pero kaya. Hindi mo ikamamatay ang pagsuko, ang pag-move on o ang pagpapalaya.

Saka ka na magpatawad ‘pag handa ka na. Hindi rin madali ang makalimot. Pero sabi nga, mas mabilis gumaling ang sugat ‘pag hindi kinakalikot.”

Sa kanyang Facebook post tungkol sa KMK, sinabi ni Direk Darryl na, “This September 21, #JustForget the pain, the bitter past, the destructive hate and revenge; learn to love, hope and forgive.

#AGAINandAGAIN.”

AUTHOR PROFILE