CPS7

Klinika sa QC nilooban

September 7, 2023 Melnie Ragasa-limena 564 views

Pinasok ng kawatan ang isang klinika sa Cubao nitong Huwebes.

Sa report ng Cubao Police Station (PS-7) nadiskubre ang panloloob sa Caritas Clinic pasado ala sais ng umaga Setyembre 7, 2023.

Ang nasabing klinika ay nasa 2nd floor ng Puregold Cubao Branch, Araneta City, Brgy,., Socorro, Cubao Quezon City.

Ayon kay Kristine Villaceran, Branch manager ng Puregold Cubao, nagsasagawa ng clearing operation bago ang pagbubukas ng establisiyimento nang mapansin niya na puwersahang binuksan ang pintuan ng Caritas Clinic. Pati umano ang pintuan ng finance office maging ang safety vault ay puwersahang binuksan .

Patuloy na inaalam ng pulisya ang halaga na mga natangay ng kawatan.