Klea

Klea, palaban ang karakter sa ‘Bolera’

June 29, 2022 Ian F. Fariñas 535 views

Kakaibang pagganap mula sa Kapuso actress na si Klea Pineda ang napapanood ng Kapuso viewers sa hit GMA primetime series na Bolera.

Ipinakilala ang role ni Klea bilang si Golden Eye noong Lunes ng gabi. Siya ang pinakabagong kalaban ni Kylie Padilla bilang Joni sa mundo ng bilyar.

Naintriga nga ang netizens sa angas ng karakter ni Klea.

Komento ng isa sa Kapuso Stream sa YouTube, “Tapang ni Golden Eye kainis! Matatalo naman kaya niya si Joni?”

Abangan ang tapatan nina Joni at Golden Eye sa Bolera, mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng First Lady sa GMA Telebabad.

Pagbabalik-telebisyon ni Andre, kasado na

Balik sa pag-arte ang Kapuso star na si Andre Paras sa upcoming GMA series na Abot Kamay na Pangarap.

Matapos mag-concentrate sa kanyang basketball career sa loob ng isang taon, muling sasabak sa drama ang aktor na aminadong excited sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

“I’m very excited, I’ll be working with a lot of people I look up to. I can’t wait to meet them in person,” kwento ni Andre sa panayam niya sa 24 Oras.

Makakasama niya sa serye sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Jillian Ward at ang nagbabalik-Kapuso na si Dominic Ochoa.

Abangan ang Abot Kamay na Pangarap sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE