Kitana

Kit kinondena ng netizens ang ginawa kay Ana

March 19, 2022 Aster Amoyo 317 views

AS of this writing ay naka-detain pa rin sa Tagaytay police station ang Filipino-New Zealander at Kapamilya actor na si Kit Thompson (Keith San Esteban Thompson), 25, na kinasuhan ng RA 9262 – the anti-violence against women and children act of 2004- dahil sa ginawa nitong pananakit sa kanyang girlfriend, ang sexy actress na si Ana Jalandoni habang naka-check in sa isang hotel in Tagaytay nung Huwebes, March 17.

Nakuha ni Ana na makapag-text para makahingi ng tulong. Dinampot ang actor at dinala sa presinto kung saan ito ngayon na-detain habang ang sexy actress ay dinala sa pinakamalapit na pagamutan for treatment.

Nag-trend sa Twitter ang ginawa ng actor at kinondena siya ng marami.

Si Ana ay ipinakilala sa sexy-comedy movie ng Viva Films, ang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar 1” along with AJ Raval and Rose Van Ginkel na dinirek ni Darryl Yap at kauna-unahang pelikula na ipinalabas sa streaming app na Vivamax nung January 29, 2021.

Si Kit naman ay ex-PBB housemate bago nito pinasok ang pag-aaratista.

Kung hindi agad makakalabas ng kulungan si Kit, malamang na siya’y palitan sa bagong ginagawang TV series ng ABS-CBN, ang local adaptation ng K-drama series na “Flower of Evil” na pinangungunahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe.

Si Kit ay huling napanood sa hit primetime TV series na “La Vida Lena” na pinagbidahan ni Erich Gonzales.. Napanood din siya sa mga pelikulang “Belle Douleur,” “Momol Nights” at “Sarap Mong Patayin”.

Ate Vi magpapahinga muna sa pulitika

TINATAPOS na lamang ng Stars for All Seasons at Batangas 6th District Representative na si Vilma Santos ang kanyang termino this year at pahinga muna siya sa politics na kanyang kinabilangan sa loob ng 24 years.

Tatlong termino or nine years siyang nanungkulan bilang mayor ng Lipa City at siyam na taon din siyang naglingkod bilang gobernadora ng Batangas habang dalawang termino bilang kinatawan ng 6th district ng Batangas.

Ayon sa ina nina Luis Manzano at Ryan Christian, babalikan umano niya ang kanyang showbiz career na matagal na naisantabi nang pasukin niya ang pulitika. Nasa plano rin ni Vi ang pagdidirek na matagal na umano niyang pangarap gawin.

Tiyak na matutuwa ang loyal fans ni Vi kapag nalaman nila na magbabalik-showbiz ang kanilang idolo na isa na ring vlogger ngayon.

Si Vi ay huling napanood sa pelikulang “Everything About Her” in 2016 kung saan niya naging co-star ang ex-girlfriend ng kanyang panganay na si Luis, si Angel Locsin along with Xian Lim. Ang nasabing pelikula ay dinirek ni Joyce Bernal under Star Cinema.

DimplesDimples1Dimples buntis pangatlong anak

PREGNANT ngayon ang Kapamilya actress, celebrity endorser, entrepreneur and vlogger na si Dimples Romana sa magiging panlimang miyembro ng kanilang pamilya.

Dimples was only 19 years old when she married her husband, Boyet Ahmee nung June 15, 2003. Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak who are eleven years apart. Eighteen years old na ang kanilang panganay na si Callie (who’s going to study in Australia) at seven years old naman ang kanilang pangalawa at bunsong anak na si Alonzo.

Never na inisip ng 37-year-old actress na magkakaroon pa sila ng baby ng kanyang husband na si Boyet.

Ang “Viral Scandal” star ay isa ring negosyante with business not only in the Philippines kundi meron din silang restaurant business in Singapore.

Maymay ayaw pa ring pangalanan ang foreigner BF

ISANG foreign national at non-showbiz ang boyfriend ng ex-PBB housemate turned actress-model na si Maymay Entrata ending speculation na may relasyon sila ng kanyang dating ka-loveteam at kapwa ex-PBB housemate na si Edward Barber.

It was only last February 14 nang i-share ni Maymay sa kanyang Instagram account ang picture nilang dalawa ng kanyang boyfriend calling him his Valentino.

Hindi man ipaliwanag ni Maymay, she’s carrying an LDR (long distance relationship) with her current boyfriend pero hindi pa siya nagsi-share ng identity ng guy at kung saan sila nagkakilala.

Maymay is turning 25 on May 6.

Dahil sa paglantad ng totoong karelasyon ni Maymay, hindi na siguro kailangan ipilit pa ang tambalan nila ni Edward na nagsimula nung sila’y pareho pang nasa loob ng bahay ni Kuya.

Tony nakabawi na, Kit matatagalan pa

MUKHANG tahimik pa rin hanggang ngayon ang US-born (to Filipino parents) actor na si Tony Labrusca matapos itong masangkot sa ilang kaso na ang pinakahuli ay ang Act of Lasciviousness na isinampa sa kanya in a Makati City court nung isang taon kung saan naman siya na-clear ng korte recently.

Tulad ni Kit Thompson, napaka-in-demand ding actor ni Tony bago ito naharap sa ilang controversial issues.

Ngayong na-vindicate na si Tony sa kasong isinampa laban sa kanya, sana’y maging simula na rin ito ng kanyang pagbabago as a person para magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang career.

Sa part naman ni Kit Thompson, mukhang matatagalan pa niyang malinis ang kanyang pangalan dahil umabot sa pisikalan at pananakit sa babae ang ginawa niya.

Sina Tony at Kit are not only good looking actors kundi dalawa sila na mahuhusay na actor of their generation at nakakapanghinayang na ito’y mababahiran ng hindi maganda dahil sa kanilang kakaibang pag-uugali.

Ariel1Beauty at Ariel magkasama na sa Kapuso channel

SINA Beauty Gonzales at ang singer-actor na si Ariel Rivera ay parehong identified sa Kapamilya channel pero ang dalawa ay may bagong proyekto sa bakuran ng Kapuso Network, ang “The Fake Life” kung saan din tampok sina Sid Lucero, Tetchie Agbayani, Jenny Miller at iba pa.

Beauty is now a Kapuso talent habang si Ariel naman ay isang freelance actor. Matagal-tagal ding panahong hindi nakagawa ng proyekto ang mister ni Gelli de Belen sa GMA at first team-up nila ni Beauty ang “The Fake Life” na nagsimula na sa kanilang lock-in taping.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE