Kiray

Kiray nagpatayo ng mga paupahang bahay

December 21, 2024 Vinia Vivar 61 views

Bongga si Kiray Celis dahil nakapagpatayo pala siya ng mga paupahang bahay this year.

Ipinost ng aktres ang kanyang mga achievement this 2024 with matching pictures at aniya, pinag-ipunan niya talaga ang pagpapatayo ng paupahan.

“2024 is all about smart saving and smart spending para sa akin. Nag-ipon ako para sa mga paupahan and learned the importance ng choosing the right people and prioritizing needs over wants,” ani Kiray.

Ibinida rin niya na may “me time” pa rin naman siya bilang reward sa kanyang sarili.

“Pero siyempre, after all the hustle, nirereward ko lang ang sarili ko. may konting byahe, tour o pahinga sa ibang bansa!” sey niya.

In fairness kay Kiray ay masinop talaga siya sa buhay at matulungin pa sa pamilya kaya lalong sinusuwerte.

AUTHOR PROFILE