Kiray

Kiray, dedma maubos ang ipon sa mga magulang

July 18, 2022 Jun Nardo 380 views

ANG bongga namang anak ni Kiray Celis na lubos ang pagmamahal sa mga magulang.

Aba, sa 63rd birthday ng father ni Kiray, may money cake siyang regalo at isa sa cakes ay may laman na P63,000, huh!

Inilabas ng komedyana ang video ng birthday surprise sa ama.

Para sa pagmamahal sa mga magulang, “Maubos man ang ipon ko sa kakapa-money cake sa every birthday niyo ni mama, okay lang.

“Sobrang thankful at blessed ako taun-taon na nadadagdagan ang buhay niyo. Mahal na mahal ko kayo papa at mama,” saad ni Kiray sa caption.

Lolong

NAGHANAP NG SASAMBAHAN SA SEOUL

NAKAKABILIB ang pagiging kapatid ni Ruru Marid bilang kasapi ng Iglesia ni Cristo.

Kahit nasa Seoul, Korea para sa taping ng episodes ng Running Man PH, hinanap talaga ng Lolong lead actor ang sambahan ng Iglesia ni Cristo.

“Malayo man ang patutunguhan, una kong hahanapin ang inyong Tahanan upang patuloy na makapaglingkod sa ’yo Diyos.

“Hindi magpapahadlang kailanman, sapagkat ito ang tangi kong Kayaman,” caption ni Ruru sa pinatunguhang lugar para sa mga kapatid sa Iglesia.

AUTHOR PROFILE