Kiray Celis ‘di na-imagine madadala pamilya sa Hong Kong
HINDI lubos akalain ng actress-comedienne at entrepreneur na si Kiray Celis na madadala niya ang kanyang pamilya sa Hong Kong.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Kiray ang mga larawan ng kanilang pagbisita sa Disneyland.
Saad ng actress-comedienne na nakatulong daw ang kanyang mga pangarap at pagdarasal para maging posible ang kanilang pagpunta sa nasabing lugar.
Nagpasalamat din si Kiray sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.
“Never ko sa buong buhay ko na maimagine na madala kayo sa Hong kong Disneyland. Pero sabi nga nila.. walang imposible kapag nangangarap ka at nagdadasal ka,” sey ni Kiray.
“Maraming salamat po sa patuloy na sumusuporta at nagmamahal sakin. Ng dahil sainyo, nabibigyan kopo ng Maganda, Masaya at Mabuting buhay ang pamilya ko,” dagdag pa niya.