Kimxi

KimXi, nagpakilig sa ‘Mas Challenge’

June 23, 2021 Vinia Vivar 511 views

Nagpakilig na naman sina Xian Lim at Kim Chiu sa kanilang fans sa pamamagitan ng latest vlog nila na “Mas Challenge” kung saan ay sinagot nila kung sino ang “mas” sa kanilang dalawa.

Nag-vlog ang KimXi habang natatrapik patungo sa Batangas for a beach getaway.

Idea ni Kim ang “Mas Challenge” at may nakahanda na siyang questions.

Sa tanong kung sino ang mas mahiyain, umamin si Xian na siya‘yun dahil sobrang introvert daw siya talaga.

“Hindi ako masyadong extrovert katulad ni Kim. I think, sa spectrum ng introverts, nandu’n ako sa pinakadulo,” ani Xian.

Kailangan daw muna niyang kilalanin ang mga tao sa paligid niya bago siya maging kumportable.

Kung sino naman ang mas maalaga kapag may sakit ang partner, sey ng KimXi ay pareho sila.

“Inaalagaan namin each other lalo na siya, kasi sakitin siya,” sey ni Kim.

Umamin naman agad si Xian sa tanong na kung sino ang mas madaling mapikon.

“Ako. Pikon akong tao,” sey ni Xian habang tawa naman nang tawa si Kim.

Sa tanong kung sino ang mas sweet, “ako” agad ang sagot ni Xian na inayunan din naman ng GF.

“Yes, si Xian talaga sweet, ’di ba, ’no? Daig mo pa ‘yung chocolate,” ani Kim.

Hirit naman ni Xian, “’Di ka kasi sweet na tao, eh. ‘Di ka kaya malambing.”

Halatang naloka at nagulat si Kim sa sinabi ng BF at kinontra niya ito.

“Malambing ako!” sey niya.

Pero maya-maya ay binawi rin naman ni Xian ang sinabi. Mabait at sweet naman daw si Kim.

Kung sino ang mas seloso o selosa, at first ay nagturuan sila. Pero itinanggi ito ni Xian at aniya, “Hindi, ah. Wala akong pakialam.”

Sey ni Kim, “Hindi ba sabi, kapag hindi ka nagseselos, ibig sabihin hindi mo mahal ang isang tao, wala kang pakialam.”

Sagot naman ni Xi, “Mahal naman kita. Pero wala namang pagseselosan. There’s no reason to be jealous.”

Agree naman dito si Kim, “Yeah. Hindi rin naman siya nagbibigay ng reason para magselos ako.”

Sobrang nag-enjoy sa vlog ang netizens especially ang kanilang fans at sey nga nila, napakatotoo ng KimXi at kitang-kita na sincere ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

AUTHOR PROFILE