Always

KimXi, atat bumiyahe sa Pasko

October 4, 2022 Vinia Vivar 1181 views

Dahil nga may sari-sarili rin silang career at magkahiwalay pa ng network, okay lang kay Kim Chiu kapag may mga panahong busy ang boyfriend niyang si Xian Lim.

“Nagsusuportahan naman kami sa isa’t isa. ‘Pag nasa set siya, hindi ko siya guguluhin, so aantayin ko na lang na tumawag siya sa akin,” sey ni Kim sa isang online interview sa kanya recently.

Kapag busy si Xian ay hinahayaan niyang mag-focus ito sa ginagawa especially kapag may proyekto ito.

“Parang ganu’n kami, parang ‘pag meron kaming gagawin, ‘focus ka muna, tawagan mo lang ako ‘pag free ka, kapag kaya.’ Parang ganu’n. Hindi naman clingy na ‘bakit ‘di mo ako tinawagan?’

Imbes na nagku-concentrate, maguluhan pa siya lalo. ‘Yung ganu’n,” aniya.

Kahit nga raw may kanya-kanya silang proyekto, ani Kim, suportadung-suportado niya si Xian sa lahat ng ginagawa.

“Alam naman ni Xian na ako ‘yung no. 1 fan niya. Tsini-cheer ko talaga siya, pinapalakpakan ko siya. Minsan, naiinis na siya sa akin na nagtsi-cheer talaga ako, ganyan. Pero sabi ko, ‘hayaan mo na, ganu’n talaga,’” tsika ni Kim.

Pero ang maganda naman magdyowa, kahit gaano man sila ka-busy, they always make time for each other. In fact, they always find time na makapag-travel together.

“Kami naman, alam naman ng mga supporter namin na every December, we really make sure na makapag-out of the country kami, makapag-celebrate kami ng holiday together.

“’Yun din ‘yung nilu-look forward namin. Na every Christmas break kasi ‘yun na ‘yung pinakamahabang break na meron kami na parehas kami,” sabi ni Kim.

Since malapit na ang December, for sure ay pinaplano na ng KimXi kung saang bansa sila magbibiyahe.

HAGUPIT NG GALIT

Makikita na ng magkakapatid na Estrella ang hagupit ng galit ni Cherry Red (Ivana Alawi) ngayong alam na niya ang totoong sinapit ng kanyang magulang sa A Family Affair.

Ngayong nakapangalan pa rin sa kanya ang rancho, magagamit ni Cherry ito pati na ang iba pang kayamanan ng pamilya para sa kanyang paghihiganti.

Tinipon nga niya sina Paco (Gerald Anderson), Dave (Sam Milby) at Seb (Jake Ejercito) para kumustahin at sabihin na batas na niya ang susundin sa kanilang pamamahay.

Agad nga niyang ipinadakip si Drew (Jameson Blake) at ikinulong sa basement ng kanilang mansyon.

Ipinalabas niya na paraan niya ito para mapalayo ang binata sa paggamit ng droga. Sinunod naman niyang puntiryahin si Seb at nilagyan ng camera ang kwarto ni Florabelle (Claire Ruiz) kung saan nagkita muli ang dalawa.

Mas lumalamig naman ang kanyang pakikitungo sa asawang si Paco (Gerald Anderson) kahit pa paulit-ulit itong humihingi ng paumanhin. Samantala, miserable naman si Dave nang malaman niyang hindi totoong buntis ang asawang si Becca (Aya Fernandez).

Alamin sa mga susunod pang eksena kung paano naman paglalaruan ni Cherry si Dave.

Kasalukuyang napapanood ang A Family Affair at mauna na itong panoorin sa iWantTFC app (iOs at Android) o iwanttfc.com48 oras bago ito umere sa telebisyon.

Maaari rin itong subaybayan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:20 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV at TV5.

AUTHOR PROFILE