Kimson

Kimson, sasabak sa international film

December 19, 2022 Ian F. Fariñas 103 views

Sunud-sunod ang blessings na dumarating sa promising young actor ng Sparkle na si Kimson Tan.

Maliban sa kanyang nakakaintrigang karakter sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters bilang Steven Yap, magiging parte rin si Kimson ng international movie na King of Hawkers na may layuning ipakilala ang Singaporean food at ang kanilang kultura sa buong mundo.

Sa susunod na taon ay dadayo si Kimson sa Singapore upang kunan ang kanyang mga eksena sa pelikula sa loob ng isang buwan.

Magkakaroon din ng training si Kimson sa tulong ng Crazy Rich Asians chef at food stylist na si John See.

Hindi pa man nagsisimula rito, ramdam na ang full support ng fans ni Kimson.

Say ng isang fan sa Instagram ni Kimson, “Congratulations Kimson! Ito na ang opportunity na pinakahihintay mo. Na-witness ko how you started in showbiz. Galingan mo! Dito lang kami to support you! We love you!”

AUTHOR PROFILE