Kim

KimPau movie naurong ang playdate

January 11, 2025 Vinia Vivar 86 views

Nag-release na ng statement ang Star Cinema hinggil sa pinag-uusapang playdate ng pelikulang “My Love Will Make You Disappear” na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sa statement ay nakasaad na may bago nang playdate ang movie at ito ay sa March 26 instead of Feb. 12 na naunang in-announce.

“As part of Star Cinema’s commitment to bringing Philippine films to a global audience, we are excited to announce the new playdate for the much-anticipated romantic comedy ‘My Love Will Make You Disappear,’ starring Kim Chiu and Paulo Avelino.

“The film will now appear in cinemas worldwide starting March 26,” ang simula ng statement ng Star Cinema na ipinost kahapon sa kanilang social media accounts.

Kasunod nito ang paliwanag kung bakit naurong ang playdate at ito ay dahil daw sa bagong development na collaboration ng Star Cinema with foreign distributors.

“The move comes in light of new developments and exciting opportunities to expand into the North American market. We are happy to share that global theatrical distributor Abramorama and award-winning international entertainment marketing firm Amorette Jones Media Consulting are collaborating again with Star Cinema in bringing the beautiful story to even more viewers as they believe in the film’s universal appeal that can captivate a broader audience,” paliwanag ng produksyon.

Kasunod nito ay nag-trending na sa X (dating Twitter) ang Star Cinema at kanya-kanyang reaction ang KimPau fans.

May natuwa na finally ay malapit na nilang mapanood ang inaabangang movie at mayroon din namang disappointed pa rin sa pagkakaurong ng playdate.

Matatandaan na nauna rito ay nag-post si Paulo ng cryptic message sa X last January 9 ng “ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula” na hinulaan ng fans na patungkol sa KimPau movie.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon ang KimPau sa statement ng Star Cinema regarding sa new playdate although naka-repost sa socmed account ni Kim ang nasabing pahayag.

AUTHOR PROFILE