Kimje

Kimje starrer, numero uno sa Vivamax

June 29, 2021 Ian F. Fariñas 176 views

PHENOMENAL kung ituring ang tagumpay ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam ng real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles.

Ito ay dahil nananatili itong numero uno sa mga pelikulang kasalukuyang napapanood sa Vivamax ngayong linggo.

Nasa number one spot nga ang ABWP ni Direk Darryl Yap na sinundan naman ng Nightshift, Unfaithful Wife 2, Kaka (Sunshine Guimary), Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, Warat (ni Joyce Jimenez), Sana All (Meg Imperial), Pakboys Takusa at Sukdulan (Maui Taylor).

Napakarami pang bagong alok ang Vivamax sa mga susunod na buwan, kabilang na ang The Other Wife starring Lovi Poe, Rhen Escaño and Joem Bascon sa ilalim ng direksyon ni Prime Cruz.

Binansagang “Most Thrilling Sexy Film of the Year,” babaguhin ng The Other Wife ang paningin ng netizens sa konsepto ng baliw na pag-ibig.

Exclusive na mapapanood ang The Other Wife sa Vivamax simula July 16.

AUTHOR PROFILE