Kim

Kimje, millennial John en Marsha

January 20, 2023 People's Tonight 352 views

Super kuwela ang Kim Molina at Jerald Napoles tandem sa bago nilang pelikula na Girlfriend Na, Puwede Na mula sa Viva Films.

Napanood namin ito sa red carpet premiere last Monday night sa Cinema 2 ng SM Megamall.

Grabe ang chemistry ng KimJe, in pernes, na tipong masasabing John en Marsha ng millennial generation.

Hindi mawawala ang mga ngiti at halakhak mo habang pinapanood sila sa big screen.

Ang husay nilang magpatawa na tipong natural na natural ang kanilang acting na dalawa.

Sa pelikulang ito mararamdaman mo ang iba’t ibang emosyon. Tatawa ka, iiyak ka at kikiligin pa. Napakaganda ng istorya at pagkakagawa sa pelikula ni Direk Benedict Mique.

Mahusay din dito sina Gab Lagman, Andrea Babierra, Prince Estefan, Heart Ryan at Tomas Rodrigro.

Maraming green jokes pero effective, aliw at sobrang nakakatawa. Kaya naman kung gusto n’yong maaliw at malimutan panandalian ang inyong problema, nood na ng Girlfriend Na Pwede Na.
Pramis, mag-i-enjoy ka.

Kasalukuyan nang napapanood ang nasabing pelikula sa mga sinehan nationwide. Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE