Jerald Napoles & Kim Molina

KimJe, ’di pa handa sa kasal at baby

January 8, 2023 Vinia Vivar 211 views

Eight years na ang relasyon nina Jerald Napoles at Kim Molina at kung tutuusin, nasa edad na talaga silang magpakasal.

In fact, they’ve been living together at kasal na lang talaga ang kulang para maging official ang kanilang pagsasama.

Kaya naman sa face-to-face mediacon ng latest movie nila sa Viva Films na Girlfriend Na Pwede Na, isa ito sa mga naitanong sa kanila.

Ayon sa celebrity couple, hindi pa sila parehong ready at this point. Hindi pa raw ito ang tamang oras at marami pa silang dapat i-consider before settling down.

Sey ni Kim, marami ang nagtatanong sa kanila kung kailan sila ikakasal. Siyempre, alam niyang pressure ito kay Jerald dahil ito ang lalaki.

“Nape-pressure rin talaga siya with everyone asking, kasi siya ‘yung gagawa. Ako naman, I always see to it that I tell him that ‘I understand your pacing, I understand that you have something that you want for yourself.’

“I’m also like that. Like I know my clock as a woman. My body clock, I know I have that. But I know, alam ko… it’s okay.

“Kasi ang dami ko ring gustong gawin, ang daming gustong puntahan.

“But yes po, napag-uusapan namin ang mga bagay-bagay already,” ani Kim.

Isa pa ngang dahilan ay galing tayo sa pandemic at marami rin daw nawala sa kanila dahil dito. Kaya kailangan munang mag-ipon pa sila.

At least, ngayon ay unti-unti na silang nakakabawi kaya sana ay magtuluy-tuloy.

Bukod dito, hindi pa rin daw sila ready na magkababy dahil marami pang projects si Kim.

Sa sinehan ipapalabas ang Girlfriend Na Pwede Na at first theatrical movie ito ng KimJe mula noong pandemic kaya happy at excited sila na makikita na naman nila ang mga sarili sa big screen after Jowable.

Ipalalabas na sa Aug. 18 ang Girlfriend Na Pwede Na directed by Benedict Mique. Kasama rin sa movie si Gab Lagman bilang isa sa leading men ni Kim.

AUTHOR PROFILE