Kim Soo-hyun naiyak dahil sa Pinoy fans

June 11, 2022 Aster Amoyo 260 views

SECOND time na ang recent visit sa Pilipinas ng popular K-drama actor at singer na si Kim Soo-hyun. Una siyang dumalaw sa bansa in May 2017 para sa launch ng isang kilalang Korean electronic brand.

Ang kanyang pangalawang pagbisita sa Pilipinas ay may kinalaman sa pagiging isa sa mga international brand ambassador ng clothing brand na Bench na kanyang sinimulan may isang taon na rin ang nakaraan. Kasama niya bilang brand ambassadors ang iba pang kilalang personalidad sa South Korea tulad nina Ji Chang-wook, Park Seo-joon, Hyun Bin at iba pa.

The 34-year-old South Korean actor enjoyed his brief stay in Manila dahil sa napakainit na reception ng kanyang Filipino fans sa kanyang “meet and greet” with fans na ginanap sa MOA Arena nung nakaraang Biyernes, June 10. Dahil sa sobrang dami at napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito ay hindi napigilan ng South Korean actor ang mapaluha sa sobrang tuwa na nakita ng kanyang Filipino supporters sa big screen.

The award-winning Korean actor admits na kakaiba umano itong kanyang recent visit sa Pilipinas to meet with fans na kanya na ring ginawa sa Tokyo, Kobe, at Osaka in Japan; Jakarta at ilang bahagi ng China tulad ng Shanghai, Guangzhou at Beijing.

Hindi ikinakaila ng Korean singer-actor na mahiyain umano siya kaya ang kanyang ina ang nag-encourage sa kanya na kumuha ng acting lessons when he was young.

It was in 2007 nang simulan ni Kim ang kanyang acting career sa pamamagitan ng TV family sitcom ma “Kimchi Cheese Smile” where he played support. Ang kanyang first lead role ay sa youth-oriented drama na “Jungle Fish”in 2008. Ginawa din niya in 2011 ang “Dream High” na sinundan ng “Moon Embracing the Sun” in 2012, “The Thieves” at “Secretly, Greatly” in 2013.

Ang pelikulang “Moon Embracing the Moon” ang siyang unang nakapagbigay sa kanya ng Best Actor award mula sa Baeksang Art Award (Television) habang ang kanyang 2015 project na “The Producers” ay nagwagi ng grand prize at tatlo pang Daesang awards. Ito’y sinundan ng box office hit movie na “Real” in 2017. Pagkatapos nito ay ginawa ni Kim ang mandatory military service at sa kanyang pagbabalik in 2020 ay ginawa niya ang “It’s Okay Not To Be Okay” na sinundan ng thriller project na “One Ordinary Day” nung 2021.

Nakagawa rin siya ng isang award-winning short film in 2009, ang “Worst Friend”” na nanalo ng Social Drama Award sa Mise-en-scene Short Film Festival.

He also released two hit singles at kasama na rito ang “In Front of Your House.

It was in December 2021 nang mag-put up si Kim ng sarili niyang talent management company, ang Gold Medalist kung saan niya partner ang dalawang South Korean actress na kanyang mga kaibigan na sina Sae-ron at Seo Yea-ji.

Nora1

National Artist award ni Nora matagal nang inaasam

FINALLY ay natupad na rin ang matagal nang pinakakaasam ng kanyang supporters ang pagiging National Artist ng superstar na si Nora Aunor matapos itong lagdaan ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte.

RickyNagbubunyi ang supporters si Guy (Nora) dahil naging mailap ang nasabing karangalan sa kanya nung mga nakaraang administrasyon. Pinangalanan din ang pito pang ibang National Artist ng bansa at kasama na rito ang award-winning writer na si Ricky Lee.

MarilouTonyKasama rin sa listahan ang film director na si Marilou Diaz-Abaya na sumakabilang-buhay nung October 8, 2012 dahil sa breast cancer, gayundin ang veteran theater, TV and movie actor, director, professor na si Tony Mabesa na yumao nung October 4, 2019.

Ang walong hinirang na National Artist ng bansa ay naging possible dahil na rin sa rekomendasyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ang iba pang bagong National Artists ay sina Fides Cuyugan sa musica, Gemino Abad sa panulat at literature (tulad ni Ricardo Lee) at si Agnes Locsin para sa sayaw at si Salvacion Lim Higgins para sa fashion.

Ang pamimigay ng pinakabagong National Artists Awards ay inaaasahang mangyayari sa susunod na linggo.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE