Kim

Kim, pinag-trip-an ng netizens

April 22, 2022 Vinia Vivar 203 views

Katakut-takot na pangba-bash na naman ang nararanasan ngayon ni Kim Chiu dahil sa pasasalamat post niya kay Vice President Leni Robredo sa birthday video greetings sa kanya.

Pinag-trip-an ng netizens ang sinabi ni VP Leni na nasa “good place” raw si Kim ngayon.

May isang netizen na nag-tweet na akala raw niya ay namatay na si Kim.

Hindi ito pinalampas ni Kim at sinagot niya ang netizen.

“’Wag ka nga! di naman ikaw yung binati eh. Ako diba? Ako yung nag birthday. Nakikinood ka na nga lang ganyan ka pa. Ako kasi naintindihan ko,para sakin naman yung message.Ikaw ba? nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?. Bawas nega. Para angat buhay lahat. smile!” sagot ni Kim sa Twitter.

RooftopRYZA, AKTIBO ANG ‘THIRD EYE’

Inamin ni Ryza Cenon na mayroon siyang third eye at bata pa raw siya nang malaman niya ito.

“Bata pa po ako, meron na ‘ko talaga (na third eye). And ‘yung dating tinitirhan ko po na townhouse, may time na galing akong work, umuwi ako, natulog ako, and then, tanghali na siya, biglang may mga tao as in madaming tao sa room ko, ta’s nagtatawanan sila, ganyan-ganyan. Ta’s nagising ako, wala namang tao,” kwento ni Ryza sa virtual mediacon ng millennial horror-thriller movie na Rooftop under Viva Films.

Sa pangalawang tulog naman niya ay tahol daw nang tahol ang kanyang aso, pero paggising niya ay nasa baba naman pala ito at wala sa kanyang room.

Ang pinakamatindi raw ay may sumisipa sa bed niya ilalim na parang ayaw talaga siyang patulugin.

“Hanggang sa may isang bata, hinila ‘yung buhok ko, tumakbo siya. Mga ganu’n. Tapos, ang ginawa ko na lang, sa sobrang gusto ko na talagang matulog, kinausap ko sila. Sumigaw ako na ‘pwede ba, magpatulog naman kayo? Pagod na pagod na ako.’ And then after that, tumahimik na sila,” tsika pa niya.

Samantala, after three years ay balik sa paggawa ng pelikula si Ryza sa Rooftop at sobrang na-miss daw niya ang pag-arte.

Ang ikina-e-excite pa niya ay sa sinehan ito ipalalabas.

“Sana after this, magtuluy-tuloy na ang trabaho na dumating,” she said.

Kasama ni Ryza sa Rooftop sina Marco, Gumabao, Rhen Escano, Marco gallo, Ella Cruz, Andrew Muhlach and Epy Quizon mula sa direksyon ni Yam Laranas.

Showing na ito sa April 27 exclusive sa SM Cinemas.

AUTHOR PROFILE