
Kim nominado sa Seoul International Drama Awards 2024
Hindi makapaniwala si Kim Chiu sa announcement ng Seoul International Drama Awards 2024 na nominado siya sa kategoryang Asia Star Awards.
Inilabas ng nasabing award-giving body sa South Korea ang nominasyon nitong June 12.
Makakalaban ni Kim sa naturang kategoya ang lima pang aktor mula sa iba’t ibang Asian countries kabilang na ang Singaporean actor na si Desmond Tan, Malaysian actress Emily Chan, Indonesian actress Ochi Rosediana at Thai actors Blue Pongtiwat at Poompat Iamsamang.
Sa kanyang X (dating Twitter) ay nirepost ni Kim ang isang tweet ng ALTStarMagic na ibinabalita ang kanyang nominasyon.
“LOOK: ‘Multimedia Idol’, @prinsesachinita is nominated for the Asian Star Award category at the 19th Seoul International Drama Awards to be held this September 25! Aside from Kim, #Linlang is also an entry to become an official nominee to the prestigious award-giving body!” ang tweet ng ALTStarMagic.
Sa caption ni Kim ay tila hindi pa siya makapaniwala. Aniya, “Hala! Totoo ba to?! hala! Nakaka fragile. thank you po sa nomination.”
Kasunod nito ay muling nag-tweet si Kim at humingi ng boto sa kanyang fans all over the world.
“Sana po maboto nyo ako,” sey ni Kim.
Ang basehan kasi sa pagpili ng winner sa kategoryang Asia Star Awards ay through online voting mula June 15 to July 14.
Ibinahagi rin ni Kimmy ang link kung paano i-download ang application para maiboto siya.
Gaganapin ang 2024 Seoul International Drama awarding ceremony sa Sept. 25 sa KBS Hall.