Kim

Kim, nilinaw kung bakit ‘missing’ si Xian sa ABS-CBN Ball

October 4, 2023 Vinia Vivar 727 views

Sa mga nagtatanong kung bakit nag-solo si Kim Chiu sa ABS-CBN Ball 2023 at hindi niya kasama ang long-time boyfriend na si Xian Lim, may sagot na ang aktres tungkol dito.

Sa “Magandang Buhay” guesting ni Kim ay ipinaliwanag ng aktres na out of the country si Xian that time. Nauna kasing nai-schedule ito ng BF.

“Nasa India siya, kasama niya ang friends niya, nag-motor. Tapos nu’ng na-schedule niya ‘yon, sabi niya ‘Kailan ‘yung ball?’ Eh, na timing sumakto. So parang, ‘Sige,v go lang, kaya ko na ito,'” pahayag ng lead star ng “Linlang.”

Ilang taon na rin namang sina Kim at Xian ang constant na magka-date sa ABS-CBN Ball kaya marami ang nagtataka kung bakit hindi sila magkasama this year.

Pero kahit mag-isa lang siya ay nag-enjoy naman siya sa event.

“Sobrang saya ng gabing ‘yon at saka everything went perfectly,” sey pa ng aktres.

AUTHOR PROFILE