Kim Chiu

Kim, nawindang sa paandar ni Dra. Vicki

November 25, 2021 Vinia Vivar 259 views

Halos hindi mapakaniwala si Kim Chiu sa malaking sorpresang ibinigay sa kanya ni Dra. Vicki Belo na mapapanood sa bagong vlog ng aktres.

Sa naturang vlog ay ni-raid ni Kim ang refrigerator ni Dra. Vicki at ipinakita niya ang mga laman nito.

Pero hindi niya akalaing sa huli ay siya pa ang niregaluhan ng pabulosang celebrity doctor.

Sey ni Vicki bago ipakita ang gift, “Everytime I see you, meron ka nang bagong bag, so, sabi ko, sana wala pa siya nito.”

Nang ipakita na ang surprise ni Dra. Vicky na isang Louis Vuitton bag, ang lakas ng “Oh, my God!” ni Kim.

“Grabeeeee!” sabi ng aktres. “Nakakaiyak, dok!”

Windang na windang si Kim at aniya pa, “Grabe, chocolate lang ang hinihingi ko rito kay Dr. Belo pero nagkaro’n ako ng LV. Iba talaga ang maging Belo baby.”

Hindi matapos-tapos ang “grabe” at “oh my God” ni Kim habang binubuksan ang box

Nang tumambad na sa kanya ang bag, lukang-luka pa rin siya.

“Wow!!! Omg!!” bulalas niya.

Masayang-masaya ang aktres sa natanggap na regalo since passion din niya talaga ang mga luxury bag.

Sey niya, wala pa raw nga siya ng ganu’ng design ng LV bag. Pandemic ngayon kaya hindi raw siya masyadong nagsa-shopping.

Pati ang mga netizen sa comment section ay nawindang sa mamahaling regalo ni Dra. Belo pero mas naloka sila sa pagkadami-daming chocolates na laman ng ref ng sikat na dermatologist.

AUTHOR PROFILE