Xikim

Kim, nakipagsabayan kay Xian sa pagmo-motor

May 24, 2021 Vinia Vivar 585 views

Hindi maitago ni Xian Lim ang kasiyahan nang finally ay maiangkas na niya sa kanyang big motor bike ang girlfriend na si Kim Chiu.

Ipinost ni Xi sa kanyang Instagram account ang escapade nila ni Kim habang sakay niya sa backseat ng motor ang GF.

Mukhang malayu-layo rin ang biniyahe ng KimXi dahil makikita sa mga larawan na nasa overlooking at bulubunduking lugar sila.

Sa caption ay mararamdaman mo na talagang masayang-masaya si Xian,

“I can’t contain my happiness sa post na ito. I remember months ago while I was training in @mxmessiah, I told coach @samtamayo na someday, i’ll be able to ride a motorcycle and have Kim in the backseat and we’ll be able to travel to places we’ve never set foot in.

“Through hard work and patience, grabe I never thought this day would come…,” ang bungad ng caption ni Xian sa IG post.

Kaya naman labis ang pasasalamat ng aktor sa GF.

“Thank you for this @chinitaprincess nakakahappy that this is our first time to explore on a big bike. It is such a different experience. I love you for trusting me thank you!” ang mensahe ni Xian sa GF.

Pagbibiro pa ni Xi sa followers, sorry raw sa nakokornihan pero sobrang saya raw niya talaga.

Nagpasalamat din ang aktor sa kanyang coach na nag-train sa kanya sa pagmo-motor.

“Salamat coach Sam sa patience, time and effort you put in a aming mga students mo grabe to more rides, to exploring the world to trusting in Him that nothing that ever happens to us is a coincidence. It is through faith, knowing and believing that everything will fall in to place.

“Dami ko na sinabi. Hanggang dun na muna super happy!” sey pa ni Xian na animo’y tumama sa lotto sa sobrang saya.

Sa comment section ay sobrang nakakakilig din ang sagot ni Kim.

Aniya, “as long as you are happy!! Kahit mega init laban lang!! Hahaha thanks xi!!”

Sa kanyang Instagram account ay nag-post din si Kim ng mga larawan ng kanilang escapade ni Xi at nagpasalamat din siya sa BF.

“Thank you Xi for always always, ALWAYS putting a smile on my face!!!” mensahe ni Kim kay Xian with matching hashtag na #ILYSM na abbreviation for “I love you so much.”

Sabihin pa, sobrang kinilig ang kanilang fans at pati nga si Neri Naig-Miranda ay nagkomento ng “akala ko, proposal na.”

WEEKEND SHOW, INAABANGAN

Inilabas nitong Sabado (May 22) ang panibagong teaser ng upcoming weekend comedy-gag-variety show na FLEX na malapit nang mapanood sa GTV.

Tampok sa teaser ang Kapuso teen stars na magsisilbing “Leaders” o hosts ng show na sina Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso at Althea Ablan.

Bawat linggo ay may makakasama silang walong Gen Z artists na sasabak sa musical performances, gags, sketches, at talent competitions.

Samantala, kahapon ang opisyal na pagbubukas ng online registration para sa mga gustong sumali sa official fan base ng FLEX na kung tawagin ay Flex Squad o “Flexers.”

Sa naturang exclusive group ay maaaring mapanood ng fans ang exclusive videos ng kanilang favorite Gen Z celebrities at mag-participate sa ilan pang paandar ng show.

Bisitahin lang ang official Facebook page ng FLEX para sa mga karagdang detalye.

AUTHOR PROFILE