Kim

Kim nagpaalala kontra fake news

March 14, 2025 Vinia Vivar 131 views

Nagmakaawa si Kim Chiu sa intrigerang netizens na huwag siyang idawit sa issue ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Na-misinterpret ng isang content creator ang sinabi ni Kimmy sa “It’s Showtime” na “at para naman sa mga feeling nila ay hindi pa dumarating ang tamang panahon para sa kanila, ang masasabi namin, ‘deserve!’”

In-assume ng vlogger na tungkol sa pagkakaaresto kay Duterte ang tinutukoy ni Kimmy kaya nag-post siya tungkol dito.

Anang content creator, “kakapanood Kulang ng Showtime Sabi Ni Kim Chiu Deserved daw Makulong si Tatay Digong Isipin mo 30Million sumusuporta kay Tatay Digong Siguro naman iba Jan Fans Mo..”

Nakarating ito kay Kim kaya naman nag-tweet siya agad ng paglilinaw.

“Hala nakakaloka! Bat ako nasali dyan?!!! Like o to the M to the G!!!! Busy ako sa ibang bagay,” ani Kimmy.

“Dyosko wag nyoko isali sa ganyan. Parang awa nyo na. Ang gulo na po ng mundonh ibabaw. wag na tayo dumagdag. Dyosko nalanh talaga,” sey pa niya.

Kaagad ding kinuyog ng fans ng aktres ang content creator (na hindi na namin makita ang account ngayon) at ipinagtanggol ang kanilang idolo na nagbasa lang ng script sa show.

Nag-apologize na ang nagpakalat ng fake news at ni-repost din ito ni Kimmy.

Saad ng vlogger, “Humihingi po Ako ng Sorry Maam kim chiu Script lang Pala Yung Deserve na Sinasabi mo. at Sabi kasi ng Asawa ko si Duterte pinaparingan mo. Inaasar lang Pala ako ng Asawa ko kaya na Post ko Kala kopo si Tatay digs pinatamaan mo taos puso kopo huminging sorry maam binura kona po maam..Buti di Galit si Maan Kim Chiu.”

Sabi naman ng Chinita Princess sa kanyang caption, “Mahalaga po mag #FactCheck bago manghusga at akusahan ang isang tao. Let’s all be responsible citizens. Magtulungan tayo wag magsiraan.

God bless po ang lahat.”

Sa kanyang latest Instagram post ay muling nagpaalala si Kim sa mga netizens sa pagpapakalat ng fake news.

Nag-upload ang aktres ng video habang tumatakbo siya sa Los Angeles, California at ibinida ang 10-km. run na ginawa niya.

“This song hits diff today!!! When your mind is strong, your body follows, and your heart finds the courage to endure. No storm lasts forever, and neither will your struggles. Rise, push through, and show the world the unshakable force within you. solid 10km run in 12deg Cali weather!!! ayt!!!!!! Have a great day everyone!!!!” ani Kim.

Paalala naman ng aktres sa fake news spreader, bago mag-like, share o comment ay isipin munang mabuti kung totoo at kung makakatulong. Marami na raw artista ang naaapektuhan ng pagkalat ng pekeng balita tungkol sa kanila.

“Just a reminder: #Fakenews is spreading so fast, and a lot of people-including us in the entertainment industry-are getting hurt because of it. Before you like, share, or comment on something, take a moment to think: Is this true? Is this helpful? Spreading false information only adds fuel to the fire. Let’s choose truth over lies and kindness over hate,” saad ni Kimmy.

SHARON AT KC NAGLULUKSA SA PAGPANAW NI GRANDPA

Wasak na naman ang puso ni Megastar Sharon Cuneta dahil sa pagpanaw ng ShihTzu ni KC Concepcion na si Grandpa.

Nag-upload si Shawie ng video ni Grandpa na nakahiga at halatang mahina na that time.

Maririnig sa background ang boses ni Mega na umiiyak at ikinukuwento na kagagaling lang sa ospital ng pinakamamahal nilang fur baby.

Sa caption ay ibinalita ni Sharon na wala na si Grandpa na inalagaan at minahal nila for 17 years.

“KC’s ShihTzu, Grandpa, who had lived with us for 16-17 years, was hospitalized last week. When hope started to dim, we brought him home. That was yesterday. I sent this video to KC last night.

Grandpa passed away early this morning. It always feels like a member of your family passes when a beloved dog does — because they are part of your family,” ani Shawie.

“This stage is always the hardest part for a furparent. It is the only time your dog manages to ‘hurt’ you, and it doesn’t at all mean to… Run free, dear Grampy. We will always miss and love you, our good boy,” aniya pa.

Sa comment section naman ay nagpasalamat si KC sa ina sa pag-aalaga sa fur baby.

“Thank you for helping me give Grandpa the best life, mama. I was a busy working ‘fur mom’ at the time he came into my life and didn’t have the help I needed to fully take care of him and your house came through for us. Love you grandpa… Churro and Chica enjoyed playing with you and will love you forever sweet, wise, strong champion boy. Rest in paradise grandpa love!!! Until we get to play again…,” mensahe ni KC.

AUTHOR PROFILE