Kim

Kim, kinilala sa pagtulong sa cancer patients

October 15, 2022 Ian F. Fariñas 256 views

Importante na pangalagaan ang crowning glory sa anumang okasyon, anumang oras at kahit saan man. ‘Yan ang paniniwala ni Kim Chiu na nagbahagi ng sikreto para makuha ang perpektong kulot at tuwid na buhok sa katatapos na intimate media launch ng Lifestrong Hairfix.

Nakasama ni Kim sa okasyon ang beauty pageant titleholders na sina Miss World PH 2021 Tracy Maureen Perez at Miss Hispanoamericano PH 2022 Ingrid Santamaria, pati na ilang influencers tulad nina Kris Lumagui at Lolly Isabel.

Present din sa event sina Quel Palomo, Nikki Tiu, Patricia Parian ng Momshies Diary, gayundin sina, Tiktok Influencers Grace Uy, Aika Legaspi, Mica Abacan, Jaymie Cruz at Jaymee Javier.

Bukod dito, naging highlight din ng launch ang pagtanggap ni Kim ng plaque kasama ang LIifestrong executives na sina Lifestrong general manager Marge Lee at Lance Lee, presidente, mula sa European Hair Factory at Philippine General Hospital para sa kanilang hair donation drive.

“Gusto talaga ng Lifestrong and ni Ms. Marge na magkaroon ng magandang hair ang lahat. And of course, ang mga cancer patient, hindi talaga maiiwasan na magkaroon sila ng hair loss at mawalan sila ng confidence sa sarili nila na ‘wala na kaming hair kaya hindi na kami lalabas ng bahay,’” ayon kay Kim.

Dagdag ng aktres, “I’m very happy kasi hindi lang siya nagpapaganda ng hair ko kasi nagbibigay din siya ng hope for the cancer patients.”

Hatid ng Lifestrong Hairfix ang kumpletong Do-It-Yourself solutuon na tutugon sa bawat pangangailangan ng buhok mula sa hair essentials, hair treatment, hair color, hairstyling at general items na pwedeng ganmitin sa bahay.

“In creating personal care products, we have always looked at creating items that empower Filipinos. But it doesn’t end there, we want our items to be accessible to many anytime anywhere. We know that times are hard and that the pandemic has changed the game for everyone including taking care of themselves. Such is the concept behind our DIY Hairfix products,” saad ni Marge.

Ang Hairfix Multiplex Serum Range ay nagbibigay ng kailangang itamina at sustansya para iwas sa pagkasira ng buhok dulot ng styling at init ng panahon, kemikal at polusyon.

Ito ay binubuo ng shampoo, conditioner at treatment na gawa sa Italy. May dalawang variant ang Hairfix Multiplex Serum Range: Ang Hyaluronic Acid with Zinc, na nagha-hydrate sa buhok to power repair dry and damaged hair; at Keratin na may Zinc, na nagtutuwid at nagpapataas ng power growth para sa frizzy at tangled na buhok.

Available ang mga nasabing produkto sa Watsons at SM Department stores nationwide.

AUTHOR PROFILE