Kim

Kim, itinigil ang pagsusuot ng pulang underwear

February 1, 2022 Vinia Vivar 445 views

Maskasamang sinalubong ng Chinese showbiz couple na sina Kim Chiu at Xian Lim ang Chinese New Year kahapon, Feb. 1.

Makikita sa kani-kanilang Instagram account ang larawan nila habang ipinagdiriwang ang nasabing okasyon.

Si Kim ay naglabas pa ng vlog tungkol sa kanyang preparasyon at do’s and don’t’s sa okasyong ito na taun-taon ay talagang ginagawa niya kapag sumasapit ang Chinese New Year.

Sa nasabing vlog ay ipinakita ni Kim ang pagbisita niya sa Binondo para bumili ng mga lantern, pampaswerte at humingi ng forecast ngayong Year of the Tiger.

As we all know ay firm believer ang aktres ng mga ganitong bagay at ito rin ang kinagisnan niya bilang galing siya sa Chinese family.

Pumunta si Kim sa isang feng shui master at kumonsulta kung ano ang mga dapat niyang iwasan o dapat niyang gawin, gayundin kung masuwerte ba ang Year of the Tiger sa kanya.

Natuwa naman si Kim nang sabihin sa kanya na masuwerte ang taong ito sa kanya pati na rin kay Xian.

Sinabi rin sa kanya ng feng shui master na baka this year lumabas ang lahat ng hinihintay niya na ikinatuwa ng aktres.

Hinulaan din siya na prone sa mga careless accident pero wala naman daw major.

Bumili rin si Kim ng wishing paper na hindi raw talaga nawawala sa kanila tuwing Chinese New Year. Isinusulat daw nila sa papel na ito ang lahat ng wish nila for this year at talaga raw napakaraming nagkakatotoo sa mga isinusulat nila.

“Ako, meron akong sinulat, nagkatotoo talaga. Nakabili ako ng vacation house,” sey niya.

Buy din siya ng red envelope na lalagyan daw niya ng P888 and after nine days ay ide-deposit niya sa kanyang bangko.

Pagdating sa bahay ay sinimulan na ni Kim ang mga ritwal at preparasyon for Chinese New Year.

Nag-ilaw siya ng 17 incense sticks, prayed and said her intentions.

Ibinahagi rin ni Kim ang mga paniniwala nila tuwing Chinese New Year na parte raw ng kanilang kultura.

Kabilang dito ay bawal maligo ng New Year’s Day, bawal ding magwalis gayundin ang magpagupit ng buhok, pati na ang pagmumura at pakikipagtalo.

Bawal din daw uminom ng gamot sa New Year’s Day para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit the whole year.

And last but not the least Chinese belief na laging ipinapayo ni Kim sa single ladies “wear brand-new red underwear to attract love this 2022.”

In the past ay inamin ng aktres na ginagawa niya ito noong wala pa siyang boyfriend.

AUTHOR PROFILE