Kim Chiu

Kim, inaming ‘naka-hang’ ang lovelife

December 18, 2023 Vinia Vivar 318 views

Hindi na nakaiwas pa si Kim Chiu nang tanungin ni Maricel Soriano tungkol sa kanyang lovelife.

Sa latest vlog ng Diamond Star ay naging ‘yaya’ siya for a day ni Kim at dito ay inurirat niya ang lovelife ng Chinita Princess na balitang-balita ngang hiwalay na sa boyfriend na si Xian Lim.

“Ang dami-dami nagbubulungan. Kumusta daw lovelife mo?” tanong ni Marya kay Kimmy.

Medyo napatigil si Kim at natanong nga niya kung sino ang mga nagtatanong.

“Ang lovelife ko ay naka-hang ngayon,” natatawang sey ni Kim.

“Parang telepono ‘day? Naka-hang?” sabi naman ni Marya.

Hahaha!

Samantala, ‘kaaliw ang pagyayaya-yayahan ng Diamond Star kay Kim kung saan ay isang araw siyang bumuntut-buntot sa aktres at kitang-kita naman ang bonggang pag-aalaga na ginawa niya rito.

Maging sa rehearsal ni Kim ng dance number ay kasama rin si Marya.

Matatandaang nagkasama sina Kim at Marya sa hit Prime series na Linlang kung saan nga ay naka-create sila ng friendship.

AUTHOR PROFILE