Kim

Kim, dinedma ang takot para kay Bela

September 18, 2023 Vinia Vivar 223 views

Naging emosyonal si Bela Padilla sa kanyang appreciation post para sa kaibigang si Kim Chiu na nagawang mag-travel mag-isa sa Switzerland para bisitahin siya at damayan sa pagpanaw ng kanyang ama.

Sa Instagram ikinuwento ni Bela na nang pumanaw ang kanyang ama ay tinanong agad siya ng mga kaibigang sina Kim at Angelica Panganiban.

“When you can’t see the sun. Call your friends who radiate the same warmth “@chinitaprincess and @iamangelicap were my friends who immediately asked if I needed them here after I found out about my dad and I really appreciate them both so much. bat ako nateteary eyed magsulaaaat,” ang simula ni Bela sa kanyang post.

Patuloy niya, hindi gusto ni Kim na nagta-travel mag-isa pero ginawa niya ito para lang puntahan si Bela.

“Kim, among the three of us, never really liked traveling alone, before… Not because she couldn’t do it, but because she always wants to share her happy memories with her friends and loved ones.

“So it must’ve been daunting for her to go cross country alone… but she did it to spend 24 hours with me…,” ani Bela.

Sa video na ipinost ng aktres ay mapapanood ang ilang bonding moments na ginawa nila sa Switzerland at ani Bela ay proud na proud siya sa BFF.

“And I’m not only proud of her for doing that and so many other new things… (like swimming in Lake Zurich and the Limmat (river) and eating moules et frites…) I’m also extremely grateful,” saad pa ni Bela.

“Thank you Kimmy for being so warm and happy. For people who are actually used to being alone or travelling alone… Kim feels like home,” ang pasasalamat ni Bela kay Kim.

Sa comment section ay sumagot naman si Kimmy na naiiyak siya sa mga sinabi ni Bela.

“Bakit nakaka iyak?????? love you momsy!!! Love you so much!!! We are forever TAUREAN TWINS!!!!?????? love you for life!!!!!” komento ni Kim.

Sa IG ni Kim ay ipinost niya ang funny video ng pagsundo sa kanya ni Bela sa airport ng Switzerland kung saan ay makikitang nagtatatakbo silang dalawa palapit sa isa’t isa habang ang luggage naman ng Chinita Princess ay tumatakbo ring mag-isa palayo sa kanila. Hahaha!

Matatandaang yumao ang ama ni Bela na si Cornelio Sullivan last month.

AUTHOR PROFILE