Kim Screenshots mula sa IG/@chinitaprincess

Kim Chiu nahuhulog na kay Paulo Avelino — Ogie Diaz

December 15, 2023 People's Tonight 517 views

NAHUHULOG na raw ang loob ng TV host-actress na si Kim Chiu sa aktor na si Paulo Avelino ayon sa nasagap na impormasyon ni Ogie Diaz.

Sa online show na ‘Showbiz Update,’ ibinahagi ng comedian-actor at entertainment reporter ang kuwentong nakarating sa kanya na nagugustuhan daw ni Kim ang mga gestures na ipinapakita sa kanya ni Paulo.

“May nakapagsabi sa akin. Narinig ko lang naman. Merong nagparating sa akin… Unti-unti pala ay nahuhulog itong si Kim kay Paulo. ‘Yun lang ang nabalitaan ko ha na nata-touch si Kim sa mga gestures ni Paulo dahil bukod sa sweet e Carinoso,” sey ni Ogie.

“Bukod doon, maasikaso. ‘yun talagang nararamdaman ni Kim Chiu na babae siya kay Paulo Avelino,” pagpapatuloy pa niya.

Samantala, sinabi rin niyang wala pa ring linaw ang hiwalayan nina Kim at aktor na si Xian Lim na kamakailan lang ay nagbura ng mga vlogs sa kanyang YouTube channel kabilang na ang videos nila ni Kim.

Saad din ni Ogie na wala ring kasiguraduhan na nahuhulog din si Paulo sa aktres.

“Kaya nga lang, wala namang linaw yun. Kung split na si Xian Lim tapos napo-focus ang atensyon ni Kim Chiu, kung sakali ah kay Paulo, wala namang kasiguraduhan kay Paulo kung may nararamdaman din ba siya kay Kim Chiu. Posibleng meron, posible ring parang mahal ko ‘to bilang kaibigan,” ani Ogie.

Nilinaw naman niyang hindi pa opisyal na kumpirmado ang impormasyong kanyang nasagap na nahuhulog na si Kim sa aktor, tanging sila lamang daw ang magbibigay linaw sa usap-usapang ito.

“Kasi alam mo, nilalatag lang naman natin sa kanila ‘yung mga nakakarating sa atin. Sila pa rin ang may karapatang sumagot. Kung i-deny nila ito, madali para sa kanila hindi totoo yung nakarating sa atin, e sorry,” pahayag ng entertainment reporter.

Naging magkasama sina Kim at Paulo sa seryeng ‘Linlang’ at magsasama silang muli sa Pinoy adaptation ng Korean series na ‘What’s Wrong with Secretary Kim?’

AUTHOR PROFILE