Kim

Kim Chiu may hugot pag-ibig: ‘Inilalaban ko talaga lahat’

August 24, 2023 People's Tonight 499 views

INAMIN ng TV host-actress na si Kim Chiu kung anong klase siyang tao kapag nagmamahal.

Ayon sa “Chinita Princess” inilalaban niya ang lahat kapag umiibig para raw wala siyang pagsisisihan pagdating ng panahon.

Sa episode nitong Miyerkules, Agosto 23 ng noontime show na “It’s Showtime,” nagkaroon ng talakayan patungkol sa mga napagdaanan sa pag-ibig ang mga hosts nito na sina Vhong Navarro, Vice Ganda, kabilang na si Kim Chiu.

“Nangyari na ba sayo ‘yung… parang maghihiwalay na pero, ‘hindi ilalaban ko ‘to’ tapos natuloy pa?” tanong ni Vice Ganda kay Kim.

Sagot naman ni Kim na, “Ako kasi ‘pag magmahal inilalaban ko talaga lahat… para wala akong pagsisishan sa huli.”

Muling nagtanong si Vice sa aktres kung kailan dapat sumuko sa laban ng pag-ibig.

“Paano mo malalaman ‘yung ano… kasi laban ka nang laban eh, kailan ‘yung time na ‘ay hindi na ko lalaban’?” tanong ng co-host ni Kim.

“Pag hindi ka na sinasagot, huwag mo nang ilaban,” sagot naman ni Chinita Princess.

“‘Pag wala nang sagot, ibig sabihin no’n—silence means yes,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE