Kim

Kim, ayaw kumpirmahin ang pagbibida sa Pinoy adaptation ng hit na K-drama

August 13, 2023 Vinia Vivar 135 views

Napabalitang si Kim Chiu ang magbibida sa Pinoy adaptation ng hit Korean drama na What’s Wrong with Secretary Kim? na talaga namang ikina-excite ng kanyang fans gayundin ng K-drama lovers.

Sa interview kay Kim ni Bianca Gonzalez for CinemaNews, ayaw pang kumpirmahin ng aktres ang tungkol dito.

“Wala pang confirmation ‘yan, hindi ko pa alam ang tungkol diyan,” she said.

Asked kung ano ang masasabi niya tungkol sa nasabing rumor, tila may pahiwatig naman siya na mukhang tuloy ito.

“Ako, I am a K-drama fan. So, abangan na lang nila kung anuman ‘yung mga next na balita dahil mahirap naman na manggaling sa akin ngayon.

“Pero siguro, nasa proseso pa siya. So, niluluto pa siya nang mabuting-mabuti, if ever. Sana,” wika ni Kim.

AUTHOR PROFILE