Kim

Kim: Ate Kam, ‘wonder woman’ ng pamilya Chiu

August 19, 2023 Vinia Vivar 183 views

Sa kanyang social media post ngayong Sabado, binalikan ni Kim Chiu ang panahong muntik nang magunaw ang mundo niya nang magkasakit ang kanyang ate na si Kam Chiu.

Binati ni Kim ang kanyang Ate Kam na katatapos lang magdiwang ng kaarawan kahapon at abot-abot ang kanyang pasasalamat na magaling na ang kapatid.

“Yesterday was my dearest sissy @kamchiu ‘s birthday!🎂 I may be a day late in greeting you on your special day, but I want to thank our Lord God for the answered prayer. 🙏🏻 4 months ago, gumunaw ang mundo ko sa nangyari sayo,” ani Kim sa kanyang Instagram post.

“Gusto kong burahin sa utak ko yun. My ate has always been my rock in everything that I do, she always supports me, and she never fails to remind me that I can do things even if minsan akala ko wala nang pag asa or madalas napanghihinaan na ako ng loob ko,” patuloy niya.

Ang ate raw niya ang dahilan kung bakit nakaya niya ang lahat ng challenges na dumating sa buhay niya at sey niya, ito ang “wonder woman” ng pamilya.

“Many of you thought kaya ko lahat, but in reality, it’s all her that helped me get through everything na lagi akong may maasahan and masasandalan. May it be tough times or good times. She is the wonder woman of the family,” papuri ni Kim sa kapatid.

“Thank you, sis, for everything that you do, most especially for ME. Your unconditional love is way beyond what I could ask for. You are God’s gift to me, and I’m lucky to have you as my ACHI.❤️ love you always and forever. HAPPY BIRTHDAY!” ang mensahe pa ng aktres sa kanyang beloved sister.

Nagpasalamat din si Kim sa kanyang paboritong patron na si Saint Padre Pio sa paggaling na kanyang Ate Kam.

“Thank you Padre PIO for the gift of Life. Sissy you are a living proof that nothing is impossible through FAITH and TRUST,” ani Chinita Princess.

Kalakip ng post ni Kim ang isang reel na collection ng masasayang larawan nila ni Kam, pati na noong nasa hospital ito gayundin ang recent birthday celebration nito.

AUTHOR PROFILE