Xian

Kim at Xian tahimik pa rin sa balitang hiwalayan

December 8, 2023 Joey Aquino 178 views

SUNUD-sunod ang mga hiwalayan sa local showbiz.

The breakup of real and reel sweethearts Kathryn Bernardo and Daniel Padilla is the biggest showbiz split, to date. But there are rumored breakups still in the gossip mill ready to explode. Isa na riyan ang diumano’y hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim. Ilang beses nang tinanong si Kim hinggil dito. But her lips are sealed on the issue.

Sa isang episode ng It’s Showtime, inasar ni Vice Ganda ang aktres na siya na raw ang isasalang sa bago nitong segment na ‘eXpecially for You.’ Para ito sa ex-couple na magtutulungan sa pagpili ng bagong kaibigan ang isa sa kanila para maka-move on. But Kim just laughed it off.

Kaliwa’t kanan ang mga project ni Kim. From the trending success of her series ‘Linlang,’ Kim is now cast in yet another big project. Paired with Paulo Avelino anew, the Kapamilya actress plays Kim in the Filipino version of the Korean hit series ‘What’s wrong with Secretary Kim.’ Obviously, sobrang busy si Kim. Lalo na’t tumatawid siya mula sa kanyang daily show na ‘It’s Showtime,’ weekly show na ASAP hanggang sa serye at pelikula. She’s obviously one of the busiest Kapamilya actresses. Ito marahil ang dahilan kung bakit mukhang wala na siyang time para sa kanyang lovelife. Habang si Xian naman ay busy rin sa kanyang acting at directorial assignments. Sa gitna ng kontrobersiya ay ang kumakalat na intriga na si Xian daw ay nali-link ngayon sa isang staff ng Viva.

Until now, both Kim and Xian keep mum on their alleged breakup. Kung totoo nga na hiwalay na sila, sino kaya sa kanilang dalawa ang unang magku-confirm nito? Just asking…

Disclaimer:

Para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE