Paulo

Kim at Paulo nasa marrying age na

June 14, 2024 Aster Amoyo 275 views

Paulo1NAGPAPASALAMAT ang lead stars ng Philippine adaptation ng 2018 hit Korean TV series na “What’s Wrong with Secretary Kim” na sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa pagiging matagumpay ng nasabing serye both on Viu and iWant TFC maging sa Kapamilya Channel na napapanood din A2Z at TV5.

Ang KimPau nina Kim at Paulo ay unang nabuo sa kanyang nagtapos na hit primetime TV series na “Linlang” kung saan marahil nagsimula ang closeness ng dalawa na sinundan ng kanilang balik-tambalan sa “What’s Wrong with Secretary Kim”.

Pareho nang hiwalay sina Kim at Paulo sa kanilang respective ex-partners na sina Xian Lim at Janine Gutierrez kaya walang magiging balakid kung silang dalawa man ngayon na mainit na sinusuportahan ng KimPau fans.

Wala pa mang direktang pag-amin na nagmumula sa dalawa, action speaks louder than words ang ipinapakitang closeness and sweetness ng dalawa sa isa’t isa.

Kung tutuusin, both Kim and Pau are of marrying age na. Kim is 34 at 36 naman si Paulo na merong teen-age son sa kanyang ex-girlfriend na si LJ Reyes na si Aki.

LJ is now married to her non-showbiz husband na si Philip Evangelista at naka-base na sila sa New York, USA kasama ang dalawang anak ng (dating) Kapuso actress kina Paulo Avelino na si Aki at Paolo Contis na si Summer Ayana.

LJ left for the US along with her two kids nung 2021 matapos ang kanyang celebrated break-up sa Kapuso actor na si Paolo Contis in favor or actresss na si Yen Santos na nakatrabaho ni Paolo sa pelikulang “A Faraway Land” nung 2021.

Si Paulo ay nung 2012 pa hiwalay sa kanyang ex-wife, ang dating EB Babes dancer-actress na si Lian Paz kung kanino siya may dalawang teen-age daughters na sina Xonia (14) and Xalene (13) who share the same birthday at naka-base sa Cebu City kasama ang kanilang step-father na si John Cabahug na engaged na rin kay Lian. Pero malabo pang makasal ang dalawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin annulled ang kasal nina Paolo at Lian.

Sina Lian at John ay meron na ring isang anak na si Nina at may isa ring anak na babae si John na si Maria Alexandra (Lexii) sa kanyang previous relationship pero masaya silang namumuhay sa Cebu kasama ang dalawang anak ni Lian sa dati nitong mister na si Paolo na sina Xonia at Xalene who consider John as their second father.

Jodi at Raymart tahimik sa relasyon

JodiWALANG alinlangan na isa si Jodi Sta. Maria sa pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon na unang napansin sa dating hit afternoon TV series na “Tabing Ilog”ng ABS-CBN when she was in her teens at kung saan din na-launch ang respective acting careers nina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Baron Geisler, Paolo Contis, Desiree del Valle, Patrick Garcia at iba pa.

Si Baron ang first showbiz boyfriend ni Jodi. She was in hear early 20s nang siya’y magpakasal kay Pampi Lacson (anak ni dating Sen. Panfilo Lacson) in Las Vegas, Nevada nung 2005) pero ito’y nauwi sa divorce nung 2011. Ang dating mag-asawa ay may teen-age son na si Panfilo `Thirdy’ Lacson III na isa na ngayong college student.

After her separation from Pampi, matagal niyang naka-relasyon ang actor-politician na si Cong. Jolo Revilla (anak ng mag-asawang Sen. Ramon `Bong’ Revilla at Cong. Lani Mercado) pero ito’y nauwi sa hiwalayan. Jolo married 2011 former beauty queen Angelica Alita in a Christian wedding in California, USA nung December 2019 at isinilang naman ang kanilang first baby na isang girl nung nakaraang January 2024. Jolo has a 19-year-old son na si Gab sa dati nitong kasintahang si Grace Adriano, anak ng aktres na si Rosanna Roces.

After her break-up with Jolo, pumasok naman sa buhay ni Jodi ang ex-husband ni Claudine Barretto, ang actor at nakababatang kapatid na si Raymart Santiago. But up to this day ay nananatailing low key ang relasyon ng dalawa.

Matapos ang 13 taong paghihintay, kamakailan lamang ay na-grant na ng Supreme Court ang pagpapasalawang-bisa ng kasal ni Jodi sa dati nitong mister na si Pampi Lacson at ito ang nagsilbing advance birthday gift sa aktres who’s turning 42 sa araw na ito ng June 16.

Ngayong legal na ang kanyang pagiging single muli, masarap ang pakiramdam ng aktres.

Samantala, ngayon pa lamang ay marami na ang excited na muling mapanood si Jodi sa isa na namang kaabang-abang nitong serye na pinamagatang “Lavender Fields” kung saan niya mga kabituin sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez na muling pinamamahalaan ng Dreamscape Entertainment for ABS-CBN.

Although nagsimulang lumutang ang husay ni Jodi sa larangan ng pag-arte sa “Tabing Ilog” na tumagal sa ere ng mahigit dalawang taon, ang kanyang star status ay nagsimula nang gawin niya ang morning TV series na “Be Careful with My Heart” opposite Richard Yap na baguhan pa lamang noon. Since then, there was no stopping Jodi na kinu-consider as “the silent superstar”. Sumunod dito ang TV remake ng “Pangako sa `Yo,” “Sana Dalawa ang Puso,” “Sino ang May Sala,” “My Single Lady,” “Ang Iyo ay Akin,” “The Broken Marriage Vow” na isang adaptation ng isang BBC TV drama series at ang unang co-venture ng ABS-CBN at GMA, ang “Unbreak My Heart” nung isang taon.

Sa kabila ng pagiging super busy ni Jodi sa kanyang acting career ay hindi ito naging sagabal na tapusin ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at siya’y nakapagtapos ng Psychology degree (Dean’s Lister) nung 2020 sa Southville International School and Colleges in Las Pinas City.

Alexa at KD nagbabad sa wake ni Chito

ChitoChito1Chito2Chito3Chito4TILA reunion ang nangyari sa first cousins na sina Boss Vic del Rosario, Jr. at Boss Orly Ilacad (with their respective families) sa second and final wake ng namayapang younger brother ni Boss Orly na si Chito R. Ilacad last Thursday (June 13) sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City .

Kumpleto ang pamilya Ilacad na pinangunahan mismo ni Boss Orly habang kasama naman ni Boss Vic ang nakababata nitong kapatid na si Tess del Rosario-Cruz at kanyang mga anak na sina Veronique, Valerie at VR (minus Vincent del Rosario na nasa US).

Nakakatuwang tingnan ang magpi-pinsan, mga pamangkin at mga apo na nagsama-sama in one occasion.

Malungkot man ang setting dahil nangyari ito sa burol ni Chito, yun lang din ang pagkakataong muling nagsasama-sama ang magkakamag-anak na bihirang magkita-kita dahil na rin sa kanilang respective busy schedules.

Huling nagkasama-sama ang magpipinsan and other relatives sa burol din ng isa pang Ilacad brother, their youngest na si Art Ilacad (ng Boyfriends) na unang sumakabilang-buhay nung July 30, 2023.

Si Boss Orly ang panganay sa anim na anim na magkakapatid kung saan kabilang sina Sunny, Guy at Ricky. Since wala na sina Chito at Art, apat na lamang silang natitira.

Boss Orly and Boss Vic are first cousins dahil magkapatid ang namayapang ina ni Boss Orly at at ama ni Boss Vic.

At the final wake of Chito, nagbabad din si Alexa Ilacad at ka-loveteam at nobyo nitong si KD Estrada. It was also the first time na naka-bonding ng Kapamilya young star na si Alexa ang kanyang mga kaanak sa Ilacad side at first time din nilang nakasama ang nobyo nitong si KD.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE