Kim

Kim at Julia, nagbeso’t nagtsikahan

June 12, 2023 Vinia Vivar 517 views

GeraldNamataan umano kamakailan si Kim Chiu at ang mag-dyowang sina Gerald Anderson at Julia Barretto na nagkita-kita sa isang party.

Nope, wala raw tensyon na namagitan sa tatlo at katunayan, nagbeso pa sina Julia at Kim.

Ayon sa tsika ni Ogie Diaz, nang dumaan si Kim sa harap nina Julia at Gerald ay buong ningning na nag-“hi” si Chinita Princess sa dalawa.

Pagkatapos nito ay nagbeso sina Kim at Julia habang nag-shake hands naman daw si Gerald at ang ex-girfriend.

Nagtsikahan pa raw sina Kim at Julia at wala raw ilangan ang dalawang aktres.

Kung sabagay ay hindi naman talaga nagkaroon ng issue sa pagitan nina Kim at Julia dahil nang pumasok ang huli sa buhay ng aktres ay matagal nang hiwalay ang Kimerald.

Sina Gerald at Kim naman ay matagal na ring naka-move-on at maligaya na sila pareho sa kani-kanilang lovelife.

JACKIE LOU, SALUDO SA KATAPANGAN NI RIKKI MAE

Kung maibabalik lang ni Jackie Lou ang panahon, sana raw ay hindi na sila naghiwalay ng ex-husband niyang si Ricky Davao.

Inamin ito ng aktres sa kanyang panayam kay Boy Abunda.

Natanong kasi si Jackie Lou ni Boy kung ano ang mga bagay na gusto niyang baguhin sa nakaraan.

“Siguro kung mayroon akong babaguhin, sana hindi kami naghiwalay ni Ricky,” sagot ni Jackie Lou.

“Only because, I can see how affected my children were although they are very understanding… You know that they have been affected in many ways. Sana hindi na lang, para hindi sila naapektuhan in those ways,” paliwanag ng aktres.

Medyo matagal-tagal na ring panahon na hiwalay sina Jackie at Ricky at maayos naman ang co-parenting set-up nila sa kanilang tatlong anak.

“What I can only do now — both of us — is to still co-parent and to still, I guess, do what we can with what we have now kasi hindi mo na pwedeng baguhin ‘yon, eh,” sey ni Jackie.

Sa relasyon nila ni Ricky, inamin naman ng aktres na hindi sila ‘yung tipong madalas mag-usap.

“We are not chummy-chummy. Not so long conversations, but we do (talk). If I have to tell Ricky something that I cannot tell in person, I text him.

“Sometimes he’ll answer, sometimes he doesn’t answer, but even if he doesn’t answer, kung anuman ‘yung inilalapit ko sa kanya, ginagawan n’ya ng paraan. Okay na sa akin ‘yun. We are a work in progress,” pagbabahagi pa ni Jackie Lou.

Samantala, inamin din niya na napaiyak siya nang umamin sa kanya ang anak na si Rikki Mae na lesbian ito hindi dahil sa hindi niya ito tanggap kundi dahil humanga siya sa tapang at paninindigan nito.

“I think I cried because I didn’t have to wonder and I was so thankful that she had the courage to tell me.

“Because she was saying ‘Mama, actually, I was planning not to tell you na kasi feeling ko alam mo na.’ Pero iba raw pala talaga kapag sinabi mo, so I was very thankful that I knew it,” sabi ni Jackie Lou.

Of course, tanggap na tanggap niya ang anak at sey nga niya, napakaresponsable ni Rikki Mae.

“So responsible, sobra. At sobrang maalaga niya. Parang siya ‘yung parent namin ng daddy niya,” papuri pa ni Jackie Lou kay Rikki Mae.

AUTHOR PROFILE