Default Thumbnail

KILLER KATRABAHO

July 13, 2023 Zaida I. Delos Reyes 832 views

PATAY ang isang 28-anyos na lalaki mataois na pagsasaksakin ng kanyang kasamahan sa trabaho habang nagpapahinga sa loob ng kanyang tent nitong Miyerkules ng hapon sa Sariaya, Quezon.

Ang biktima ay nakilalang si Romar dela Pena, residente ng Barangay Santa Catalina Sur, Candelaria , Quezon.

Pinaghahanap ng pulisya ang suspect na nakilalang si Richard Cardenas , alyas Burdado, na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa isang palayan na matatagpuan sa Barangay Guis-Guis San Roque, Sariaya, Quezon.

Nagpapahinga umano ang biktima sa lugar nang biglang pumasok ang suspect at walang sabi-sabing sinaksak ang biktima .

Dead on the spot ang biktima habang tumakas naman ang suspect.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.