Kenchan

Ken panay ang paramdam sa socmed

September 14, 2024 Vinia Vivar 72 views

Sa gitna ng mga tsikang kaya umalis si Ken Chan sa Pilipinas ay dahil nagtatago umano ito sa kasong estafa na isinampa sa kanya, nagparamdam ang aktor sa kanyang social media account.

Sunud-sunod ang post ni Ken sa kanyang Instagram Story since Thursday bilang patunay marahil na hindi siya nagtatago.

May ipinost siyang selfie photo na may caption na “have a great day ahead everyone.”

May post din siyang larawan ng stuffed toys at ang caption naman niya ay, “imaginary friends.”

Sa ngayon ay MIA (missing in action) pa rin sa showbiz ang aktor dahil hindi na ito nakikita sa “Al-l Out Sundays” at wala na rin ang karakter niya sa “Abot Kamay na Pangarap.”

Wala ring nakakaalam kung nasaan ba talaga siya o kung totoong umalis siya ng bansa.

Sa kanyang pagkawala ay lumabas ang isyung kinasuhan umano siya ng kanyang kasosyo sa negosyo.

Ayon sa tsika, nagtatago umano ang aktor kaya umalis.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Ken o ang kanyang management na GMA Sparkle tungkol dito.

UUWI’T UUWI

AiaiKahit sa Amerika na naninirahan si Ai-Ai de las Alas ay bumabalik siya sa Pilipinas tuwing may project na ibinibigay ang GMA-7.

Tulad ngayon, pinabalik siya ng Kapuso network para maging huradong muli sa 6th season ng The Clash” kaya umuwi siya at dumalo pa sa mediacon last Thursday.

Aniya, talagang uuwi’t uuwi siya once na tinawagan siya ng GMA-7. Wala pa raw siyang balak magretiro sa showbiz.

“Laban lang kasi hindi naman lahat binibigyan ng pagkakataong magkaroon ng project at saka magkaroon ng work. And we’re so blessed na lahat kami ay may work at kahit alam nilang sa Amerika ako nakatira, binibigyan pa rin nila ako ng show, that’s why I really love GMA Kapuso,” sey ng Kapuso comedienne.

Besides, mahal daw niya ang “The Clash” dahil since season 1 ay nandito na siya kaya tuwing may bagong season ay excited siyang bumalik.

“Parang baby talaga namin ‘to eh. Kumbaga, unang una, original ‘to na GMA show na hindi franchise, and then ‘yung maraming twists. Iba, kumbaga, Filipino made kaya mahal na mahal namin ‘tong The Clash,” aniya.

Kasama pa rin ni Ai-Ai sa “The Clash 2024” ang kapwa-OG judges na sina Christian Bautista at Lani Misalucha habang sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz pa rin ang Clash Masters.

Mapapanood ang “The Clash 2024” tuwing Sabado, simula September 14, 7:15 p.m., sa GMA at online via Kapuso Stream.

Magiging available ang live streaming nito sa YouTube channel at Facebook pages ng “The Clash 2024” at sa Facebook page ng GMA Network.

Ipapalabas din ang all-original Filipino singing and reality search sa GTV, 9:45 p.m.

AUTHOR PROFILE