Kenbianca

Ken nasanay kay Rita, nanibago kay Bianca

March 11, 2022 Vinia Vivar 419 views

Aminado si Ken Chan na talagang nanibago siya na hindi kapareha si Rita Daniela sa kanyang bagong serye sa GMA-7, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss kung saan ay si Bianca Umali naman ang kanyang kapareha.

“After three years na pagsasama namin ni Rita, this is got to be my first teleserye na gagawin na wala si Rita,” ani Ken sa virtual mediacon ng serye.

“Nakakapanibago siya, honestly. But sobrang laking tulong ni Bianca talaga sa akin.

Tulad ni Ken ay galing din sa isang loveteam si Bianca kaya naman tinulungan daw siya nito at binigyan ng mga payo.

“Kumuha rin ako ng advice at binigyan din niya ako ng advice dahil after ng loveteam niya, eh, gumawa siya ng iba’t ibang teleserye na iba’t iba ang nakapartner niya.

“So nagbigay siya sa akin ng advice at talagang nakatulong ‘yun sa akin,” sey ni Ken.

“Sabi sa akin ni Bianca, talagang mas maganda, mas healthy kapag hindi ka na-stick sa isang loveteam kasi nakakapareha mo, nakakatrabaho mo ang iba’t ibang aktor at aktres sa paligid mo, so hindi nalilimitahan ang trabaho mo,” dagdag pa ni Ken.

Ayon sa aktor ay pinaghandaan daw niya talaga ang kanyang papel bilang Richard Lim.

Nanoood daw siya talaga ng mga romantic-comedy series and movies bilang rom-com ang genre ng bago niyang serye.

“First time kong gumanap na isang tao na may OCD (obsessive-compulsive disorder), introvert, perfectionist. First time kong gumawa ng ganu’n, so I have to watch these kinds of series o these kinds of character na makakatulong sa akin para mahulma ko ‘yung karakter,” he said.

Sa March 14 na ang airing ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, second season ng Mano Po series.

Ang first season ay ang Mano Po: The Family Fortune na kakatapos lang umere.

Bukod kina Bianca and Ken, kasama rin sa second installment ng Mano Po sina Pokwang at Kelvin Miranda.

Others in the cast are Teejay Marquez, Sarah Edwards, Sarah Holmes at marami pang iba.

Ito ay mula sa direksyon ni Easy Ferrer.

AUTHOR PROFILE