James

Kelsey itinanggi ni James

October 1, 2022 Aster Amoyo 405 views

ANG New York-based Filpino-American model na si Kelsey Merritt ang kasama ng singer, songwriter, record producer, celebrity endorser and entrepreneur na si James Reid sa pinakabago nitong music video para sa kanyang single na pinamagatang “u & I” mula sa kanyang bagong album sa ilalim ng Careless Music.

In fairness, maganda ang song and arrangement at pagkakagawa ng music video na may international flair.

Sa kabila na may pagka-intimate ang message ng song at pagkakagawa ng music video, James dismissed the idea na sila na ngayon ni Kelsey.

Si Kelsey na nagtapos ng pag-aaral ng Communications Arts sa Ateneo de Manila University nung 2017, started out modeling at a young age ay siyang kauna-unahang Filipina na rumampa sa Victoria’s Secret runway in 2018 and eventually signed up with Wilhelmina International, Inc., one of the world’s leading modeling and talent agency with branches in New York, Los Angeles, California, Miami, Florida and London.

Sa Pilipinas, si Kelsey ay nag-sign-up sa Viva Artists Agency nung October 13, 2020.

Mukhang wala na sila ng kanyang Olympian boyfriend na si Conor Dwyer, her boyfriend of more than three years dahil in-unfollow na nila ang isa’t isa sa kanilang respective Instagram pages.

Nakita naman ang Fil-Am model in Sardenia, Italy na kasama ang American actor, ang 50-year-old star ng “Morbious” na si Jared Leto along with other friends pero walang kumpirmasyon kung ano ang kanilang relasyon.

Back to James, sinabi nito in an earlier interview with him na as much as possible, he wants to remain single for as long as he wants dahil mas naka-focus umano siya ngayon sa maraming bagay na may kinalaman sa kanyang career, maging ni Liza Soberano at iba pang talents ng Careless Music. He also wants to penetrate the international market.

Melai

Kakaibang interactive sa PIE channel

MAY bago na namang proyekto ang ABS-CBN sa pakikipagtulungan with Kroma Entertainment, BEAM at ang 917 Ventures, ang Pinoy Interactive Entertainment (PIE) Channel na apat na buwan nang nasa ere.

It was last Saturday, September 24, 8 p.m. nang i-launch ang kakaiba at kauna-unahang narrative-reality show na “The Chosen One: Ang Piliserye ng Bayan” na pinamamahalaan ng award-winning director na si Topel Lee. Tinawag ito as such dahil nasa mga viewers ang pag-asa ng bumubuo ng cast ng suspense-thriller series na “Soap Opera” na tatampukan ng sampung ex-PBB young housemates na sina Astra Nuevo, Adi Abaya, Amanda Zamora, Dustin Mayores, Gabb Skribikin, Kobie Brown, , Luke Alford, Maxine Trinidad, Rob Blackburn, Seham Daghlas at Zach Guerrero. Non-player naman si Kaila Estrada along with ex-PBB Otso housemate na si Emjay Sevilla at ang actress-host na si Sunshine Teodoro.

Ang non-player ay hindi ibu-vote-out ng mga manonood kundi yung sampung participants lamang .

Nasa mga kamay din ng viewers-voters ang magiging takbo ng kwento ng serye, ganoon din ang kapalaran ng sampung players kung sino sa kanila ang matatanggal nang maaga at magtatagal hanggang sa pagtatapos ng serye.

Si Melai Cantiveros ang tatayong host habang si Jhong Hilario naman ang The Chosen One mentor.

Samantala, linggu-linggo ay may Philippine-based voter ang mananalo ng P1,000 sa pamamagitan ng randomizer.

Mapapanood nang live ang episodes ng “Soap Opera” ng The Chosen One mula alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi sa Sky Cable Channel 21 at Cablelink Channel 100 at iba pang platform.

Ashley

Ashley maraming good memories sa kanyang Lolo Paquito

HINDI na inabutan ng namayapang character actor na si Paquito Diaz ang pagpasok sa showbiz ng kanyang apo sa anak na actor na si si Joko Diaz na si Ashley Diaz pero marami umanong good memories ang young singer-actress sa kanyang grandfather.

Ang mag-amang Joko at Ashley ay parehong nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency kaya hindi mahirap na pagsamahin ang dalawa tulad na lamang sa upcoming mystery-thriller movie ng Viva Films, ang “Mary Cherry Chua” mula sa panulat at direksiyon ng 2018 Cine-Filipino finalist na si Roni S. Benaid.

Ang “Mary Cherry Chua” ay magsisilbing launching movie ni Ashley sa bakuran ng Viva kaya tuwang-tuwa para sa kanya ang amang si Joko.

Bukod kina Ashley at Joko, kasama rin sa movie sina Lyca Gairanod, Kokoy de Santos, Alma Moreno, Abby Bautista, Krissha Viaje at iba pa.

The cast and the director of the movie were presented to the entertainment media sa story conference ng nasabing pelikula.

PingrisPingris1

Danica buntis sa pansampung apo ni Vic

SA buwan ng January 2023 nakatakdang isilang ni Danica Sotto-Pingris ang kanilang ikatlong anak (a boy) ng mister niya, ang retired PBA player na si Marc Pingris.

Ang mag-asawang Marc at Danica ay meron nang dalawang anak, sina Jean Michael at Anielle Micaella.

Ang dinadala ngayon ni Danica ay pang-sampung apo na ni Vic Sotto sa tatlong magkakaibang babae.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE