Default Thumbnail

Kelot wanted sa 17 kaso natimbog

July 11, 2023 Bernard Galang 151 views

CAMP Olivas, City of San Fernando, Pampanga–Nahuli ang isang lalaking wanted sa 17 iba’t-ibang kaso noong Lunes sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa ulat kay PRO-3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., inaresto si Napoleon San Diego, 48, ng Bgy. Padre Crisostomo, Cabanatuan City ng magkasanib na operatiba ng Cabanatuan City police at iba pang police units sa kanyang tirahan.

Nahaharap sa walong kaso ng sexual assault at siyam na kaso ng acts of lasciviousness ang suspek batay sa warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Theresa Basilio ng RTC Branch 8-FC ng Cabanatuan City.

Maaring pansamantalang makalaya ang suspek sa piyansang P3,060,000.

AUTHOR PROFILE