Default Thumbnail

Kelot timbog sa pagpapaputok ng baril

July 11, 2023 Jonjon Reyes 1146 views

INARESTO ng mga pulis ang isang 32-anyos na lalaki dahil sa pagpapaputok ng baril at pananakot sa Paco, Maynila Lunes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Lyle Adams Fernandez, may asawa, negosyante, ng Brgy Anolid Mangaldan, Pangasinan. Naaresto ang suspek sa 1336 A. Mabini St. malapit sa Padre Faura St., Brgy 669 Ermita, Manila.

Base sa imbestigasyon, ayon kay Police Lt. Col. Gilbert Cruz, commander ng MPD Ermita PS-5, nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at kanyang kasintahan na si Liezel na isang aplikante sa Lifework International Agency sa CRS Tower sa Paco Manila..

Bigla na lang umanong nagalit ang suspek at doon na nagpaputok ng bari at tinakot ang mga nasa loob ng gusali bandang alas-10 ng umaga.

Narekober sa suspek ang ginamit sa pamamaril na .38 caliber revolver na kargado ng limang live ammunitions.

Ayon kay Police Master Sgt. Emiliano Buño Jr. may hawak sa kaso, nahaharap ang suspek sa patong patong na kasong paglabag sa Art.10591 (Illegal possession of Firearm and Live ammunition), Art. 155 (Alarm and Scandal and/o Indiscriminate Firing) other at RA 9262 (Violence Against Women and Children).

AUTHOR PROFILE