
Kelot timbog sa boga sa Tuy
ARESTADO ng mga otoridad ang isang lalaking sakay ng motorsiklo nang mahulihan ng baril at mga bala sa isang police checkpoint sa kahabaan ng kalye sa Barangay Guinhawa, Tuy, Batangas, bandang alas-2:45 ng hapon, Huwebes Hunyo 8.
Ayon sa hepe ng Tuy Municipal Police Station na si P/Maj. Eugenio Nepthali Solomon, ang suspek ay sakay ng isang ng Honda TMX Supremo motorcycle at pinahinto ng mga pulis na nakatalaga sa ginagawang “Oplan Sita.”
Ayon sa mga pulis, habang tinatanong ang suspek ay napansin nila na may nakasuksok na isang baril sa tagiliran nito.
Wala umanong maipakitang dokumento ang suspek tungkol sa legalidad ng pag-iingat ng baril at pagdadala nito.
Agarang inaresto ang suspek na nakuhanan ng isang isang Para Ordinance Caliber 45 na may serial number at may nakasuksok na magazine na kasama ang siyam na piraso ng mga bala, isang gun holster at isang motorsiklo.
Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA (Republic Act) 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).