Default Thumbnail

Kelot timbog sa baril, bala

June 30, 2023 Jojo C. Magsombol 245 views

HINDI na nakaporma ang isang lalaki matapos ma-korner at mahuli sa pag-iingat ng baril at mga bala sa kanyang bahay sa Sitio Centro Bgy. Munting Indang, Nasugbu, Batangas kahapon.

Ayon sa report ni Nasugbu Municipal Police Station chief P/Lt. Col. Reynaldo C. Damelod kay P/Col. Samson Belgica Belmonte, bagong hepe ng Batangas PNP, inaresto ang suspek ng magkasanib na pwersa ng Nasugbu at Batangas Provincial Mobile Force Company.

Naaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.”

Nakumpiska sa suspek ang dalawang kalibre 45 baril, isang Remington na baril na may serial number 721583 at Caspian na baril na may serial number na 802251 kasama ang isang magazine at 21 bala, sabi ni Damelod.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa headquarters ng Nasugbu PNP.

AUTHOR PROFILE