Kelot tiklo sa rape, sex assault
HULI ang binata ng mga pulis dahil sa akusasyon ng patung- patong na kaso ng panggagahasa, sexual assault at acts of lasciviousness sa Malate, Maynila noong Biyernes.
Nagresulta sa pagkakadakip ni alyas Alljohn bandang alas-5:30 ng hapon ng mga operatiba ng Warrant Intelligence Section sa pangunguna ni PLt. Col. Nelson Cortez sa sa San Andres St. malapit sa Leon Guinto St., Malate, Maynila.
Naging biktima ng akusado ang 13 anyos at isang bading, ayon sa mga pulis.
Bukod sa panggagahasa, nahaharap din ang suspek sa sexual assault at acts of lasciviousness, ayon sa report.
Kailangan magpiyansa ng mahigit P3.2 milyon kung gustong makalaya pansamantala.
Sinabi ni Cortez sa mga kababaihan na nakakaranas ng pang aabuso na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga gustong humingi ng tulong.