Kelot tiklo sa pen gun
HULI ang 40-anyos na lalaki ng mga tauhan ng Moriones Police District station 2 dahil sa pagdadala ng paltik sa C.M Recto Avenue at Dagupan St. sa Tondo, Maynila noong Sabado.
Nakilala ang suspek na si alyas Loloy na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions).
Base sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi nang mamataan ang suspek dahil sa kahina-hinalang kilos.
Sinita ang suspek hanggang sa madiskubre ang dala niyang pen gun na kargado ng bala ng cal. 38 na baril.