Cybercrime

Kelot tiklo sa paglabag sa cybercrime act

July 30, 2023 Steve A. Gosuico 291 views

NAMPICUAN, Nueva Ecija–Nasakote ng mga pulis ang isang 25-anyos na lalaki dahil sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act sa Guimba, Nueva Ecija noong Biyernes.

Sinabi ng police chief ng naturang bayan na si Major Melchor T. Pereja na nahuli ang suspek sa Sitio Mangga, Bgy. San Miguel dakong 10:40 ng umaga.

Sinabi ni Pereja na hindi nanlaban ang suspek nang arestuhin sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Isidra Argañosa-Maniego, ng Malolos City, Bulacan regional trial court branch 7 para sa paglabag sa Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek.

AUTHOR PROFILE